Kate's POV:
Two Years.
Two years kaming nagsama ni Kyungsoo at nabuhay ng masaya as boyfriend and girlfriend. Pero sa pagkakataong ito, nagbago bigla ang lahat. Nang dahil lang sa pagiging busy namin sa isa't isa.
Alam naming parehas na waa kaming kasalanan sa pagiging busy namin pero dahil sa pagdaan ng araw, nawawala ang sweetness namin at halos di na kami nag-uusap sa bahay.
We rented this house for us to live freely at makapagcuddle kami sa aming pag-uwi ng malaya at walang magja-judge sa amin.
Pero tingin ko, sa simula lang kami sumaya. Dahil sa busy schedules namin, di na namin naaasikaso ang isa't isa. Di na rin kami nag-uusap o kamustahin man lang ang isa't isa.
Ganun ba talaga kapag tumatagal na ang isang relasyon? Nagkakasawaan na? o sadyang may pagkukulang lang kami?
Sa matagal kong pag-iisip dito sa living room, di ko na namalayan na dumating na si Kyungsoo at mukhang nakabusangot na naman ang mukha. May malaking problema na naman at sya sa kumpanya.
"Uhm.. Kyung? Okay ka lang ba? Kumain ka na ba?" tanong ko. baka sakaling gutom lang sya kaya bothered ang expression nya.
"I'm fine. At di mo na ako kailangan tanungin gabi gabi kung kumain na ko dahil alam ko sa sarili ko kung kelan ako kakain." sagot nya sakin na may halong pagkairita sa boses nya.
"Bakit ka ba nagagalit sakin? Tinatanong lang naman kita." Kumamot sya ng ulo nya at tumingin sakin ng masama.
"Ang kulit mo kase. Para kang sirang plaka. Paulit ulit ka."
"Kaya ko lang naman ginagawa yun dahil I care for you. Mahal kita Kyung kaya ako nagkecare sayo. Masama ba yun?" alam ko sa sarili ko na sobrang nasasaktan na ko sa inaakto ni Kyungsoo pero di ko pa rin pinapahalata sa kanya dahil ayokong magmukhang mahina sa paningin nya.
"Oo! Masama yun. Kase nasasakal na ko sayo. Alam mo bang pinagtatawanan na ako ng mga staff namin sa kumpanya kase parang wala akong kalayaan sayo. Halos lahat ng gagawin ko kailangang alamin mo. Ultimo pagdumi ko o pag-ihi ko kailangan mong alamin. Kate naman! Kailangan ba lahat ng gagawin ko alam mo? Parang di na ko makahinga sa ginagawa mo, Kate. So please~ Magbreak muna tayo. Di ko na kaya!" Di ko na namalayan na unti unti nang tumulo ang luha ko sa mga sinabi nya. Napatungo na lang ako dahil kasalanan ko pala kaya nagkakaganyan ang pinakamamahal ko.
Dahan dahan akong tumayo at dumeretcho sa kwarto namin hanggang sa lagpasan ko na sya.
Habang humihikbi ako sa sakit, agad kong inimpake ang mga damit ko at naghanda na sa aking pag-alis. Ni hindi ko alam kung saan ako pupunta nito. Dahil ang mga kaibigan ko ay malalayo ang mga bahay sa amin.
Lumabas ako ng kwarto at nakitang nakaupo si Kyungsoo sa sofa. Nakadantay ang braso nya sa ibabaw ng mata nya habang nakatingala at nakapikit. Pinunasan ko ang luha ko at nilagay ang huling sulat ko sa kanya sa coffee table, at saka na umalis ng bahay.
YOU ARE READING
Kpop Scenarios and Imagines
KurzgeschichtenAng mga scenarios na maaaring ma-imagine ng mga Echoserang palakang Fangirls... hahahah Charot lang.. For the Girls who are my youtube/facebook friends who also loves KPOP..