Edielyn's POV:
Naiinis ako.
Hindi ko alam na ganito ang ginagawa nya habang magkalayo kaming dalawa. Ang sakit sa damdamin na malaman ko pa sa media ang nangyayari. Di ko alam na matagal nang nilihim ni Minseok sakin ang ganitong klaseng problema.
Oa ba ko o dapat lang na maramdaman ko ito?
Nakita ko ang isang article from media na meron syang kakaibang diet pattern na ginagawa nya pala a few months ago. 4-hour starvation. Di ko maimagine na ginugutom nya ang sarili nya para lang pumayat sya at maipakita sa mga fans nya na kaya nyang pumayat at maging sexy sa next comeback nila.
Di ko alam kung kanino ako magagalit. Kung sa mga fans ba nya dahil ang gusto nila ay makita lang na sexy sya at di mataba sa paningin nila or mismong sa kanya na nagiging alipin ng mga fans nya dahil lang sa pagjudge sa kanya na mataba sya noon.
Di ko kinaya ang sakit na nararamdaman ko lalo na ngayon na magkalayo kaming dalawa. Ibig sabihin lang nun ay pinagpapatuloy pa rin nya na magpagutom para magpapayat.
Kaya nakaisip ako ng paraan para di na nya pabayaan ang sarili nyang kalusugan.
Nagluto ako ng mga paborito nyang pagkain at pumunta mismo sa Dorm nila.
At nang makarating na ako sa dorm nila, agad na tumambad sakin ang pawisang si Minseok na kagagaling lang ata sa workout. Mukhang nagulat sya sa presensya ko at agad akong niyakap. Napaluha ako sa sobrang miss ko sa kanya. Pero kailangan kong pigilang mapahagulgol sa nabalitaan ko habang kaharap ko sya.
Pero bakit ganito? Hindi ko mapigilan ang sarili ko at napahagulgol ako ng husto. Alam kong naririnig na ni Minseok ang malakas kong pag-iyak dahil ramdam ko ang paghaplos nya sa ulo ko.
"Sshh... Baby please, wag ka nang umiyak. Nasasaktan ako pag umiiyak ka." sa sobrang inis ko ay pinapalo ko na rin ang likuran nya at sumigaw sa dibdib nya.
"I hate you, Minseok. Naiinis ako sayo."
"Baby, bakit? Ano bang ginawa ko?" tanong nya habang haplos pa rin nya ang ulo ko. Lumayo ako ng konti at di tumingin sa mga mata nya.
YOU ARE READING
Kpop Scenarios and Imagines
Cerita PendekAng mga scenarios na maaaring ma-imagine ng mga Echoserang palakang Fangirls... hahahah Charot lang.. For the Girls who are my youtube/facebook friends who also loves KPOP..