Author's Note:
Hey there guys!
Update na naman. By the way, nasa multimedia box ang photo ni Anna.
Si IU 'yan. Or also known as Lee Ji-Eun.
'Yon lang guys.
Enjoy!
Anna's POV
Napansin kong may nakatingin sa akin. No, more like nakatitig siya. Nag-focus nalang ako sa pakikinig kay sir Reyes dahil naiilang ako sa titig ng lalaki sa'kin.
"People generally broaden their horizons by understanding other people and places."
"As they explore their surroundings and widen their field of experience,..."
"their knowledge of the world expands,..."
"and their outlook in life improves. Then---"
Kinuha ko sa bulsa ko ang panyo at pinunas ko ito sa mukha ko. Baka kasi may dumi ako sa mukha kaya niya ako tinititigan.
Tiningnan ko siya sa peripheral vision ko, nasa right side ko lang kasi siya eh. Pero 3 seats ang distance ng layo namin.
Hindi ko na napigilan kaya dahan-dahan akong napasulyap sa kanya. Napangiti siya at umiling na parang nakakatawa ang ginawa ko. Sobra akong nahiya kaya tinuon ko nalang ulit ang atensiyon ko sa teacher namin. Makikinig nalang ako, baka mag-quiz pa si sir. Kawawa ang grades ko pag-nagkataon.
Bakit niya ba kasi ako tinititigan?
"Now class, who among you here know who the myth master is?"
"Anyone?" walang sumagot kaya nagpatuloy na si sir sa pagsasalita.
"Another clue. He is a New York Bestseller Author," wala pa ring nagtaas ng kamay. Akala ko ba matatalino 'tong mga kaklase ko? 'Di ba top section ito? Alpha?
"Okay. Ms. Fernandez? Can you answer?" Kahit gulat ay napatayo na lang ako. Naku naman, tinawag pa ako.
"Uhmm."
"Can you answer it? Ms. Fernandez?"
"Rick Riordan is said to be the myth master sir. And he is also known to be the New York Times Bestseller Author."
"Exactly Ms. Fernandez, please take down seat."
"Now because you are the one who is able to answer my questions, you will be our English President."
"Sir?" Reklamo ko pa dahil sa gulat. Kaya ba hindi sumagot ang mga kaklase ko dahil ayaw nilang maging English President?
"No questions Ms. Fernandez, my decision is final. You are know officially the English President."
"O-okay sir," sagot ko nalang saka ako tumingin sa paligid ko. Nakatingin mostly ang mga kaklase ko sa'kin. No'ng nahuli ko silang nakatingin, nag-iwas agad sila tingin. Problema nila?
Wala na akong nagawa kung 'di ang makinig. Nagpatuloy nalang din si sir Reyes sa discussion.
Ano ba naman 'tong pinasok ko.
Someone's POV
Mabuti nalang nagtagumpay ang plano ko. I mean namin.
We planned to have her as our English President.
Tiningnan ko siya. Nakahalumbaba. Parang ayaw na ayaw niya atang maging English President namin. Well, wala ka nang magagawa.
Tumingin ako kay best, nakangiti siya. Sensyales na nagtagumpay kami.
Inayos ko na ang gamit ko at inilabas ang Math notebook ko dahil math ang next subject namin. Hmmm.
I wonder kung matalino rin siya sa math.
*****
Anna's POV
Malapit na ring mag-alas singko noong nakauwi na ako sa bahay namin. Bago ako makapasok sa bahay, nakita ko nanaman ang matandang babae na nagwawalis.
Napatingala ako sa bahay nila. At naagaw ng ng batang lalaki na nakatayo sa harap ng bintana ang atensiyon ko. Glass 'yong bintana nila kaya nakikita ko ang kabuuan ng bata. Ang weird nga lang kasi parang nakatingin ito sa akin.
"Uhmm. Manang, may apo po pala kayo?"
Napatigil ang babae nang marinig niya akong nagsalita at tumingin siya sa akin na nagtataka.
"Anong apo?"
"Ayun po oh, nakatayo sa may bintana. Hi bata." Saad ko sabay wave sa bata kahit alam kong hindi naman niya ako maririnig.
Nagtaka ang babae dahil sa sinabi ko at nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa bata. Nandilat ng bigla ang mata niya na tila natatakot sa akin at dali-daling umalis.
"Uhm. Manang teka lang ho, hin---"
"Umalis ka na!"
"Kalimutan mo ang nakita mo!"
"Umalis ka na!"
"Umalis ka!"
*****
Sorry sa update ko guys.
Please vote and comment.
BINABASA MO ANG
Laro Tayo (Completed)
HorrorHighest achievement: Rank 6 in Horror Simula ng makatanggap ako ng note, sunod-sunod na ang kababalaghan. At nalaman ko nalang na ang simpleng note na natatanggap ko ay siyang sanhi ng kamatayan. Nakatanggap ako ng note, at ito ang nakasulat: "Laro...