Kabanata 26
Richard's POV
Hindi ko maintindihan ang sarili ko, pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda. Balisa ako kanina pang umaga. Kaya nga nahirapan akong matulog.
Nagpagulong-gulong ako sa hinihigaan ko hanggang sa nakatulog ako.
Nagising ako dahil sa ako ay naiihi. Nayayamot akong bumangon at lumabas ng tent. Kusot-kusot ko pa ang mata ko noong nakalabas na ako. Nagpalinga-linga ako at nagsimulang naglakad patungong banyo.
Napakatahimik ng paligid dahil alas-onse na siguro ngayon. Kailangan ko pang daanan lahat ng tent bago ako makarating sa banyo. Para rin akong lasing kung maglakad dahil sa antok ko.
Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa likod ko. Pakiramdam ko may sumusunod sa akin kaya ako nagpalinga-linga sa paligid. Napailing na lang ako at naglakad ulit.
May narinig na naman akong yapak ng paa sa may likuran ko kaya huminto na naman ako. Lumingon ulit ako sa likuran ko.
"May tao ba d'yan?" Pabulong na tanong ko sa sarili. Binalewala ko na lang ito at nagpatuloy.
Iisa lang ang banyo ng lalaki at babae. Hindi na ako kumatok dahil alam ko namang walang tao. Hinawakan ko na ang doorknob pero nangunot na lang ang noo ko nang hindi ko ito mabuksan.
"Ba't naman naka-lock 'tong pinto?" Kunot noo kong tanong sa sarili. Nagsimula na akong mayamot.
Pinilit ko pa ring buksan ito hanggang sa hindi na ako nakapagpigil. Umalis ako at naglakad nang kaunti.
Doon na lang ako umihi sa bandang medyo madilim dahil alam ko namang walang tao. Nakapikit pa ako dahil hindi ko talaga mapigilan ang antok ko.
Noong natapos ako, tumalikod na ako at hindi ko inakala ang makikita ko.
"O ikaw pala, anong ginagawa mo dito?" Inaantok kong saad sa kaklase ko. Medyo blurry ang paningin ko dahil sa antok. May dala siyang medyo mahaba.
Parang nakita ko siyang ngumiti at naramdaman ko na lang ang malakas na pagtama ng kung ano sa sentido ko. Hindi ko na maalala ang sunod na nangyari dahil nandilim kaagad ang paningin ko.
'BLAG!'
***
Annabeth's POV
Anna anong ginagawa mo?
Anna...
Bakit?
Aaaaaahhhhhhh!!!
Umaalingawngaw sa paligid ang hiyaw ng lalaking kilala ko. Labis siyang nasasaktan! Ramdam ko sa sigaw niya ang pasakit.
Hindi!!!
Napabalikwas ako ng bangon mula sa madilim na panaginip. Mabibigat ang mga hiningang binibitawan ko. Nandidilat din ang mata ko dahil sa takot.
Napapikit ako saka nag-sign of the cross. Nagpapasalamat ako sa panginoon dahil panaginip lang ang lahat. Humiga ulit ako pero hindi na ako muling pumikit pa, baka kasi makatulog ulit ako at bumalik sa masamang panaginip na iyon.
BINABASA MO ANG
Laro Tayo (Completed)
HorrorHighest achievement: Rank 6 in Horror Simula ng makatanggap ako ng note, sunod-sunod na ang kababalaghan. At nalaman ko nalang na ang simpleng note na natatanggap ko ay siyang sanhi ng kamatayan. Nakatanggap ako ng note, at ito ang nakasulat: "Laro...