Kabanata 24

2.6K 117 27
                                    

Kabanata 24


Lim's POV


Dalawang araw na kaming nag-stay dito sa bahay nina Lola Felisa at Lolo Joaquin. Ang cool nga ng pangalan ni Lolo eh, sabi niya sa amin Lolo King daw ang itawag namin sa kanya.


Noong araw kasi na naligaw kami, naawa ang diyos sa amin kaya nahanap namin ang bahay kung saan kami ngayon pansamantalang namamalagi. Mabait naman ang mag-asawa at pinayagan nila kami. Natuwa nga sila dahil may makakasama na sila kahit panandalian lang.


May anak na lalaki sina Lola Felisa at Lolo King, pero nag-iisang anak lamang ito at nakapag-asawa na rin. Kaya silang dalawa na lang ang naninirahan sa bahay nila. Gawa sa kahoy ang bahay nila kaya maririnig mo ang tunog ng pag'creak' ng sahig sa tuwing lalakad ka. Hindi rin kalakihan ang bahay na ito. Pero mas mabuti na ito kesa naman sa wala kaming masilungan.


Malinis din naman kasi ang loob at labas ng bahay. Kahit matanda na si Aling Felisa, ay mahusay pa rin ito sa paglilinis. Tumutulong din kami sa paglilinis at minsan pa ay tumulong kaming dalawa ni Adrian kay Lolo King sa pag-iigib ng tubig doon sa sapa.


Kung hindi namin nahanap ang bahay na ito, siguro in two days' time namatay na kami sa gutom.


Lunch time ngayon at kasalukuyan kaming kumakain. Nag-uusap lang din kaming lima ng iilang bagay. Magkatabi kaming tatlo ni Christine at Adrian samantalang magkatabi naman sa harap namin ang mag-asawa.


Bale katabi ko si Christine at katabi naman ni Christine si Adrian. Piniritong isda at gulay ang ulam namin, mabuti na lang hindi maarte itong dalawang kasama ko.


"Sige lang, kain pa kayo mga bata. Marami pa dito." Masayang saad ni Lola kaya ngumiti na lang kaming tatlo sa kanya para magpasalamat.


"Alam mo naaalala ko sa'yo ang anak kong si Felipe (philip) eh..." napaangat ako ng mukha nang mapagtanto kong ako ang tinutukoy ni Lolo.


"Po?" tanong ko na lang habang nginunguya ang pagkain ko.


"Si Felipe. Natatandaan ko siya sa'yo. Sobrang magkahawig kasi kayo. Gwapo, makisig na pangangatawan..." naramdaman ko ang pait at kirot habang sinasabi iyon ni Lolo. Saglit kaming nagkatinginan nina Christine at Adrian. Bakas din sa mukha nila ang pagtataka.


"... kaboses mo rin siya. At ... a-at kasing bait." Napabuntong hininga na lamang si Lolo. Habang kaming tatlo naman ay nagtataka pa rin. Kapansin-pansin din sa mukha ni Lola Felisa ang biglaang pagkalungkot.


"Kung hindi lang sana siya nakipagtanan sa Anna na 'yon ... nandito pa sana siya sa amin."


"Pagpasensyahan niyo na itong si King. Namimiss niya lang si Felipe. Sige na, kain na kayo dyan." Pagwawaksi ni Lola sa usapan kaya nagkunwari na lang kaming tatlo. Kahit nakatuon ang mata ko sa pagkain, napansin ko pa rin ang luha na pumatak at dumaloy sa pisngi ni Lolo King.


So Anna pala ang pangalan ng asawa ni Felipe. Kapangalan pa ni Annabeth. Pero, imposible naman ata itong iniisip ko.


Sandali kaming natahimik. Tanging tunog lang ng nagbabanggaang plato at kutsara ang maririnig. Pero agad itong binasag ni Lola Felisa.


"Ah. Nabanggit ninyo na may ginaganap na training ang paaralan ninyo. Saan nga banda rito ang camp niyo?" Pag-iiba ni Lola ng topic.


"Malapit lang po rito. Sa ano,... sa ... anong baryo nga 'yon Lim?" Saad ni Christine, tumingin siya sa akin kaya sumagot naman ako.


Laro Tayo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon