Annabeth's POV
Hinahabol ko ang hininga ko nang gumising ako. Kapansin-pansin din ang mga butil ng pawis sa noo ko. Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko nang hawakan ko ang dibdib ko.
Panaginip lang pala.
Napapikit ako saka lumunok sa nanunuyong lalamunan. Tumingin ako sa alarm clock ko saka kinausap ito.
"Salamat talaga alarm clock, kung 'di dahil sa'yo baka namatay na ako sa bangungot." I turned it off then started my daily rituals. 5:30 pa naman kaya hindi na kailangang magmadali.
Pagkatapos kong gawin ang rituals ko, nagpaalam na ako kay yaya at mama. As usual tinanguan lang ako ng mabait kong nanay. Close kasi kami.
Sobra.
***
Maganda naman ang naging takbo ng English at Math subjects ko. Nakinig nalang ako ng maayos at baka kung ano pa ang mangyari sa grades ko.
Pagkatapos ng English at Math class, next ay ang paborito kong subject. Ang RECESS! Hehe
Lalabas na sana ako ng room papunta sa cafeteria nang may tumawag sa'kin.
"Anna wait!" Lumingon ako kay Aria at binigyan siya ng bakit-look.
"Sabay na tayo sa cafeteria. Doon din naman ang punta mo 'di ba?" Saad niya habang lumalakad palapit sa'kin, tinanguan ko lang siya bilang tugon.
"Ako rin sasabay," singit ng lalaki na nakatayo sa likod ni Aria. Biglang nagcross ng arms si Aria sabay irap.
"Tara na nga Anna, huwag mo na siyang pansinin," inis na sabi ni Aria saka ako hinatak palabas ng classroom.
Habang naglalakad kami sa hallway, alam kong nakasunod lang ang lalaki likod namin ni Aria.
Anong meron sa dalawa? Hmmm.
The usual thing. Maingay ang cafeteria pagkarating namin dito. Parang 'yong normal school lang. May nag-uusap, tumatawa at meron pang iba na wagas kung kiligin.
Dumiretso kami ni Aria sa bakanteng mesa dala-dala ang binili namin habang pangiti-ngiti pa ring nakasunod ang lalaki sa likod.
"Pwede ba? Huwag kang dumikit sa'kin, kadiri ka usog ka do'n," sabi ni Aria sa katabing lalaki na parang nandidiri. Nagsimula na akong kumain habang palipat-lipat lang ang tingin ko sa dalawa, hindi ako nagbreakfast kaya medyo marami ang binili ko.
"Ito naman, nagtatampo ka pa rin sa'kin."
"Ewan ko sa'yo," umirap si Aria saka nagsimulang kainin ang sandwich niya. Magkatabi ang lalaki at si Aria.
"Gusto mo subuan kita? Ha? Baby?" sabi naman ng lalaki at nagpacute effect pa kay Aria. Hmmm. There is something fishy in here.
"Eeewww, mahiya ka nga kay Anna. Naku Anna, huwag mo siyang pansinin, ubusin mo nalang 'yang lahat ng kinakain mo," mataray na saad ni Aria saka siniko ang lalaki. Sinenyasan niya pa ang lalaki na parang huwag maingay.
"Ars pramis! Mali 'yong nakita mo, bakit naman ako mangangaliwa eh sa'yo lang ako. Hoy, pansinin mo na ako, wala akong pakialam kahit mapahiya pa ako sa harap ni Anna." Umirap ulit si Aria at hindi pinansin si ano, 'yong lalaki.
Nagpatuloy lang sa pakikiusap ang lalaki kay Aria, napansin ko namang Ars ang tawag niya kay Aria. Bahagya nalang akong napangiti dahil sa dalawa. Magsyota ba sila?
BINABASA MO ANG
Laro Tayo (Completed)
HorrorHighest achievement: Rank 6 in Horror Simula ng makatanggap ako ng note, sunod-sunod na ang kababalaghan. At nalaman ko nalang na ang simpleng note na natatanggap ko ay siyang sanhi ng kamatayan. Nakatanggap ako ng note, at ito ang nakasulat: "Laro...