Kabanata 47

861 36 2
                                    

Kabanata 47

Annabeth’s Point of View



“Sa’n naman kaya natin hahanapin ang diary ni Maria Anne?’’ tanong ni Andrew, tanong na ni isa sa amin ay hindi kayang sagutin.

Nasa loob na kami ng van at kasalukuyang nasa biyahe. Tahimik lang kami hanggang sa nagsalita si Andrew. Sinandal ko ang aking ulo sa bintana at tumingin sa madilim na paligid sa labas.

“At hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na multo ang kalaban natin. I mean, kung may isa nga sa atin ang kumuha ng diary, bakit niya tayo papatayin dahil sa diary lang na ‘yon?” dagdag pa ni Andrew.

“Malamang may kung anong laman ang diary na importante sa kanya kaya gusto niyang maibalik ito sa kanya,” sagot naman ni Jason kay Andrew. “Kung ikaw may diary, gugustuhin mo bang mapasakamay ito at mabasa ng ibang tao?”

Nagkibitbalikat lang si Andrew. “Ewan, wala naman akong diary. Tsaka hindi ako babae para magkaroon ng diary.”

“Babae ako,” singit ni Aria sa usapan. “At oo, ayokong may ibang tao ang makabasa ng diary ko kundi ako lang. And in the first place, personal property ang diary kaya natural lang na magalit ang may-ari kung may ibang makabasa.”

“That’s the whole point,” sabi ni Jason na tila may sasabihing importante. “Magagalit ang may-ari kung may kumuha man ng diary niya, at sa sitwasyon natin ngayon, si Maria Anne ang may-ari ng diary. Pero bakit sabi ni aling Dolores na si Marga ang pumapatay at hindi si Maria Anne?”

“Please enlighten me, dude.” Umayos ng upo si Andrew para makaharap si Jason, nasa harap ko kasi si Jason at nasa harap naman ni Aria si Andrew. “Wala akong narinig na sinabi ni aling Dolores na ‘yong babaeng si Marga ang pumapatay.” Napabuntong hininga si Jason at tinignan si Andrew na tila hopeless na ito.

“Oo, sige ako na ang bobo. Salamat, ha?” pahiwatig ni Andrew.

“Andrew, ano ba ang huling sinabi sa atin ni aling Dolores?” tanong ni Dexter na sumali na rin sa usapan.

“I’m not sure, sinabi niya na kailangan nating ibalik ang diary? Hindi, binigyan niya tayo ng diresyon pauwi.”

“Hindi, sinabi niya na kung hindi man natin maibalik ang diary, ang natitirang solusyon na lang ay talunin at patayin si Marga,” pagkukuwento ni Dexter at inayos ang suot na glasses. “Hindi ko pa totally naiintindihan ang lahat pero dahil sa sinabi ni aling Dolores, nalaman ko na si Marga ang pumapatay.”

“Okay, ngayon alam ko na.” Tumango-tango si Andrew. “Pero sigurado ba si aling Dolores na ang babaeng Marga ang pumapatay? I mean multo na siya ‘di ba? Tsaka paano natin papatayin ang patay na?”

Natahimik lang kaming lahat. Habang nagsasalita si Andrew, hindi makita sa kanyang mukha at marinig sa kanyang boses ang pagkabahala at takot.

Tinignan ko si Lim, tahimik at seryoso lamang siya sa pagmamaneho. Mabuti na lang at pinakiusapan namin si aling Dolores na bigyan kami ng direksyon pauwi.

Tumingin ako sa daan at nandilat nalang ang aking mata nang---

“Lim! May mababangga tayo!” sigaw ko, napalingon si Lim sa gulat at agad na pinahinto ang sasakyan.

Tila tambol ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito. Binuksan ko ang van at bumaba mula rito. Tumakbo ako at tinungo ang harap ng sasakyan.

Ngunit wala akong nakikitang tao.

“May nabangga ba tayo?” tanong ni Andrew. Sa likuran, sumunod din sa pagbaba ang mga kasama ko. Sinundan nila kung saan ako nakatingin.

“Ano meron ba?” tinignan din ni Andrew ang harap ng sasakyan at walang nakita. “Wala naman eh.”

Laro Tayo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon