Kabanata 25

2K 119 26
                                    

Kabanata 25

Annabeth's POV


"Anna, sina Lim..." lalo lang akong kinabahan sa pag-pause ni Jason.

"Ano na? Anong nangyari sa kanila?"

Maiinis na sana ako nang unti-unting gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. "Nandito na sila Anna. Nakabalik na sila! Makakauwi na rin tayo."

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa saya. Mabilis akong tumayo at lumabas ng tent, sumunod naman sa'kin si Jason. Alam kong wala sa ayos ang itsura ko - gulong-gulo ang buhok at siguro nga may muta pa ako. Pero wala akong pakialam, iisang bagay lang ang nasa isip ko sa mga oras na ito at iyon ang makita ang mga kaklase ko.

Nakita ko si Aria kasama ang iba pa naming kaklase. May pinalilibutan silang tao, doon ako tumungo at mas binilisan ko pa ang lakad ko. Nakita nila akong paparating kaya sila umatras at binigyan ako ng daan. Doon ko nakita si Lim kasama si Adrian at Christine, may matamis na ngiti sa kanilang labi. Tila kumikislap din ang kanilang mga mata dahil sa mga luha na nag-uunahan sa pagpatak.

Noong tuluyan na akong nakalapit sa kanila, hindi na ako nagsalita at agad na silang niyakap nang mahigpit. Uminit ang mga mata ko kaya napapikit na ako. Nag-group hug kaming apat. At narinig ko pa si Andrew na sumigaw.

"Oy kami rin, sali kami sa group hug!"

"GROUP HUG!" Sigaw ng karamihan at naramdaman ko na lang ang masikip nilang yakap.

Napangiti ako at sunod kong naramdaman ang pagpatak ng luha ko. Mabilis ang tibok ng puso ko, dahil sa saya. Narinig ko rin ang pag-iyak ni Christine at sumunod naman sa pag-iyak ang iba ko pang kasama. Parang narinig ko rin ang paghikbi ni Sammy at Aria.

Hindi ko alam kung bakit kailangan kong maging ganito ka OA pero pakiramdam ko kasi, responsibilidad ko silang lahat.

Pagkatapos ng show ng pagiging OA naming lahat ay nagsitawanan na lang kami sa 'di malamang dahilan. Nalaman na rin ng ibang mga teacher at school staffs ang tungkol sa pagbabalik nina Adrian. Masaya rin si sir Pevensy sa nalamang balita at sinabing makakauwi na rin kami bukas na bukas din.

Napansin kong tahimik lang si Crystal at Claire, ni hindi nga sila sumali sa group hug. Parang hindi sila masaya na nakabalik na sina Lim. Pero iwinaksi ko na lang sa isip ko ang bagay na iyon, ang mahalaga'y makakauwi na kami.

Alas-tres pa ng hapon kaya naisipan naming lahat na tumambay muna sa labas, sa usual naming tinatambayan. Nakaupo kami sa malaking ugat nang malaking puno. Masarap sa pakiramdam ang bugso ng hangin. Katabi ko si Jason at katabi naman ni Aria si Jetter na pangiti-ngiti lang.

Si Sammy naman at ang iba ay kumuha ng stool at doon umupo. Pinaupo rin namin sa upuan, na gawa sa plastic, si Lim, Adrian at Christine. At tinanong ng kung anong bagay. Hanggang sa tinanong ni Jetter kung paano sila nag-survive sa gubat at nakabalik nang ligtas dito.

Si Lim na ang nagkuwento sa nangyari sa kanila. Sabi niya, marami raw ang nangyari mula noong nagkahiwalay kaming lahat. Naligaw sila hanggang sa nakahanap sila ng bahay na pwedeng masilungan.

Matandang mag-asawa raw ang nakatira sa bahay na tinuluyan nila. Si lola Felisa raw at si Lolo King. Mabait daw ang dalawang matanda. Inalagaan daw sila nito na parang tunay na anak. Si Lola Felisa rin daw ang naghatid na kanila rito.

Nakakatakot nga iyong ikinuwento ni Lim tungkol daw sa mangkukulam. Sabi niya pa na isinumpa raw ang baryong Narra. Kinilabutan tuloy ako sa kwento niya.

Laro Tayo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon