Kabanata 20
Annabeth's POV
Tahimik lang ako habang kumakain kami ng breakfast ng mga kaklase ko. May mesa sa labas ng tent namin at may mga upuang nakapaligid dito. At dito kami kumakain. Ala-siyete pa ng umaga at hindi pa sumisikat ang araw kaya't okay lang na dito kami kumain.
Halos hindi ko maigalaw ang pagkain ko dahil sa mga tumatakbo sa isip ko.
Kamusta na kaya sina Lim?
Okay lang kaya sila?
Kailan kami makakauwi?
Alam ko naman na gano'n din sa mga kasama ko. Na may bumabagabag din sa isip nila.
Isa pa itong panaginip ko kagabi. Paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko.
May babae.
Umiiyak.
Tinatawag niya ako. Paulit-ulit. Humingi siya ng tulong. Inilibot ko ang aking mata sa paligid. Madilim, blurry ang paligid. May tumatawag sa pangalan ko. Ang lalim ng boses niya. Hinanap ko ang kanyang boses ngunit hindi ko ito mahanap. Dahil tila nanggagaling ang kanyang boses sa bawat sulok ng gubat.
Madilim. Ngunit alam kong nasa gitna ako nang masukal na gubat. Malalaking pigura ng puno sa madilim na gubat ang sumakop sa kabuuan nito.
Wala akong ibang narinig kung 'di ang umaalingawngaw niyang iyak at ang pagtawag niya sa aking pangalan. Sinakop ng lamig ang aking sistema. Hindi ko maintindihan ito.
Patuloy lang ako sa paghahanap sa pinanggalingan ng boses hanggang sa tumambad sa aking harapan ang malaking puno. Dumagdag ito sa kakaibang takot na kanina ko pa hawak. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan, tila napako ako rito.
Malalaki ang ugat ng puno. At kakaiba rin ang laki ng katawan ng puno. Para itong tirahan ng nino man.
BINABASA MO ANG
Laro Tayo (Completed)
HorreurHighest achievement: Rank 6 in Horror Simula ng makatanggap ako ng note, sunod-sunod na ang kababalaghan. At nalaman ko nalang na ang simpleng note na natatanggap ko ay siyang sanhi ng kamatayan. Nakatanggap ako ng note, at ito ang nakasulat: "Laro...