Anna's POV
"Anna? Okey ka na ba?"
"Anna?"
Bumalik ako sa reyalidad nang hinawakan ako sa kamay ni ate Apple, school nurse.
"Ah. Opo ate, okey na po ako."
"Are you sure? Ba't natulala ka kanina?" Halata ko sa mga mata niya pati sa tono ng kanyang pananalita na hindi siya naniniwala.
"Yes po ate, okey na po ako. Huwag niyo na po akong alalahanin. Hehe," sagot ko sa kanya at ngumiti. Para naman maniwala siya.
"Sigurado ka okey ka lang ha. O Sige na, may aasikasuhin pa ako. Pagaling ka ha, at huwag kalilimutang inumin ang gamot na 'yan kapag nakaramdam ka ulit ng hilo."
Bago siya nakaalis, tumango muna ako sa kanya saka ngumiti. Nagpasalamat na rin ako.
Pinilit kong matulog para naman makapagrelax ako. Pero wala eh, hindi ako dinalaw ng antok.
Isang oras na ang nagdaan at gising pa rin ako kaya napagdesisyunan kong lumabas na lang. Hinanap ko si ate Apple para magpaalam pero wala siya kaya tuluyan na akong lumabas.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta, ayoko namang bumalik ng room dahil tinatamad na akong pumasok. May excuse naman daw ako sabi ni ate nurse.
Palakad-lakad lang ako, hindi naman mainit kaya okey lang. Hanggang sa 'di ko namalayan, dinala na pala ako ng paa ko sa isang parang garden. No, hindi parang garden dahil garden talaga ito.
Masarap sa pakiramdam ang hangin, nakakagaan ito ng loob. Nakaka-relax din ang simpleng paghampas ng hangin sa mukha ko. Napapikit na lang ako, dinadama ang paligid. Nakaupo ako ngayon sa isang bench.
Walang tao sa paligid dahil class time pa ngayon. Mas maganda rin na ako lang mag-isa, solo ko ang paligid. Ang ganda kasi ng mga bulaklak at halaman. Perfect din 'yong pagkaka-locate ng mga puno.
Minsan lang ito sa buhay ko, puno kasi ng mga weird stuffs ang buhay ko. Simula noong bata ako, nakakakita na ako ng mga ligaw na kaluluwa. Kakambal ko nga siguro ang kababalaghan.
Kagaya nalang ng kagabi. Kitang-kita ko sa mga mata ko kung paano nasagasaan ang babae. Pero sabi ni mama, wala naman daw siyang nabangga. At kung meron man, malamang ako raw 'yon.
Noong nakauwi na kami ng bahay ng gabing iyon, napag-alaman kong hindi naman daw nabasag ang vase. At nawala na rin 'yong mga footprints sa sahig.
Sabi ni yaya, wala naman daw siyang nakitang footprints. Naisipan pa nila mama na magpatulong na kami sa expert psychologist baka kung ano na raw ang nangyayari sa akin.
Alam ko sa sarili ko na walang mali sa utak ko. May gumugulo lang sa utak ko at hindi ko alam kung ano ang mga ito.
Hayss. Kailan pa kaya matatapos 'to? Sana mawala na ang sumpa. Dahil kung mawala man itong third eye ko, magiging maganda na ang pakikitungo ni mama sa'kin. Tatahimik na ang buhay ko, wala ng manggugulo.
Napatingin ako sa lalaking naglalakad habang nakapamulsa. Nakapikit siya na parang pinapakiramdaman ang paligid. Naka-side view siya sa akin.
Narealize ko na kilala ko pala siya. Kaya pala pamilyar ang mukha niya dahil kaklase ko siya sa Alpha-4. Siya pala 'yong nakatitig sa'kin kahapon.
Nakatingin lang ako sa kanya habang patuloy pa rin siya sa mahinang paglalakad. Nakapikit naman siya kaya okey lang, 'di niya malalamang nakatingin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Laro Tayo (Completed)
HorrorHighest achievement: Rank 6 in Horror Simula ng makatanggap ako ng note, sunod-sunod na ang kababalaghan. At nalaman ko nalang na ang simpleng note na natatanggap ko ay siyang sanhi ng kamatayan. Nakatanggap ako ng note, at ito ang nakasulat: "Laro...