Kabanata 33

778 31 0
                                    

Kabanata 33


Annabeth's Point of View


Napayakap ako sa aking sarili noong naramdaman ko ang pagdampi nang malamig na hangin sa aking balat. Sandali akong nanatiling nakatayo. Ramdam ko ang pagtindig ng aking mga balahibo.

"Papasukin mo Anna," utos ni manang na nasa kusina.

Pumikit ako at pinilit na irelax ang sarili. Imposibleng namalikmata lang ako, si Adrian talaga ang nakita ko.

"Oh, Anna? Nasaan na ba ang sinasabi mong kaklase mo?"

Kung totoo nga na nagpakita si Adrian sa akin, isa lang ang ibig sabihin nito. Patay na siya.

Hinawakan ako ni yaya sa kaliwang balikat kaya ako napalingon sa kanya.

"Anna."

"Po?" tanong ko.

"Ang sabi ko, papasukin mo 'yong kaklase mo. Pero asan na ba siya?" tumingin siya sa labas. "Umalis na ba agad?"

"Opo, manang." Napatingin ako sa labas. "May tinanong lang po siya tungkol sa project namin at umalis din agad."

Sinara ko na ang pinto.

"Ganoon ba?" tumango-tango si manang. "Nagugutom ka na ba?" umiling ako.

"Hindi pa naman, ho."

"Oh sige, malapit na rin akong matapos sa niluluto ko. Sabay na tayong kumain, ha?" tumango na lang ako.

"Sige po," bumalik na si lola sa kusina at ako naman ay umupo na lamang sa sofa.

***


Someone's Point of View


"Ano ba Rey! Bilisan mo nga dyan! Baka malate pa tayo niyan eh!" nakapamewang na sigaw ng kaklase kong si Jane.

"Eh kung ikaw kaya rito? Akala mo naman madali 'tong ginagawa ko," ganting sagot ko sa kanya at binaon ang pala sa lupa.

Nagcross-arms siya. "For your information, ikaw ang naka-assign sa pagkuha ng lupa at ako naman ang sa calculations nitong mga wetted perimeter. And in the first place ikaw ang lalake kaya tama lang na ikaw ang maghukay ng lupa, 'no!" sigaw niya pabalik sa akin. Ang sakit na sa tenga ng babaeng ito, kanina pa talak nang talak.

Nandito kasi kami sa likod ng botanical garden ng paaralan. Dalawa lang kami ng kaklase kong si Jane na kumukuha ng lupa para sa samples namin sa gagawin naming soil analysis. Ako lang ang naghuhukay habang siya naman ay nagpapaka-prinsesa at utos nang utos sa akin.

"Oo na, sige na, tumahimik ka na." pahiwatig ko na lamang at nagpatuloy sa paghuhukay.

"Bilisan mo na kasi dyan! Bakit ba kasi tayo pa nagkapartner eh, sa rami ng kaklase natin ikaw pa." Medyo kumulo ang dugo ko sa sinabi ni Jane.

"Akala mo, ikaw lang? Ako rin naman, ah! Tsaka wala ring gustong makapartner ka dahil sa ugali mo," sabi ko habang naghuhukay.

"Aba! Akala mo kung sinong gwapo," pinahid ko ang bisig ko sa aking noo para punasan ang pawis na tumutulo mula rito.

Binaon ko ulit ang pala nang napakunot nalang ang aking noo nang may natamaan ako. May konting lambot ito.

"Nakikinig ka ba sa'kin?" si Jane.

Mas nilapit ko pa ang aking mukha sa natamaan ko at marahang tinanggal ang mga lupa na nakapalibot dito.

"Hoy!"

Laro Tayo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon