Kabanata 32

866 35 5
                                    

Kabanata 32

Annabeth's Point of View

Masakit ang aking katawan noong ako ay gumising. Marahan akong bumangon at inaantok na tinignan ang wall clock. Nalaman kong ilang minuto nalang ay malelate na ako.

Kahit inaankot man ay agad na akong tumayo at kumuha ng tuwalya. Noong hinawakan ko na ang kulay puting tuwalya, nakita ko na lamang na duguan ang aking kamay!

Nandilat ang aking mata at nabitawan ko na lamang ang tuwalyang hawak. Napahawak ako sa dugong nasa aking kamay. Napalunok ako at agad na sumulong banyo.

Nanginginig ang aking kamay habang hinuhugasan ko ito. Kumuha ako ng sabon at pilit na tinannggal ang dugong dumikit sa aking kamay.

Bigla ko na lang naalala ang panaginip ko kanina.

Nakita ko si Adrian na nakahandusay sa lapag sa labas ng SSG Office, noong una ay hindi ko siya makilala dahil may nakatusok na lapis sa kanyang mata. At duguan rin ang kanyang mukha.

Sigaw siya nang sigaw habang nakahawak sa lapis na nakatarak sa kanyang mata. Nanginginig ito. Tila mapupunit na rin ang kanyang lalamunan dahil sa kanyang pagsigaw.

Agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang muksa. Hindi ko alam ang aking gagawin. Nanginginig ako sa takot makita lang si Adrian sa ganoong sitwasyon.

Napapikit na lamang ako at pilit na binura iyon sa aking isipan. Kahit nakapikit man ako, umaalingaw-ngaw parin sa utak ko ang kanyang sigaw. Sigaw ng labis na naghihirap.

Ilang minuto pa ang lumipas bago nawala ang dugo sa aking kamay. Itinukod ko ang kamay ko sa sink at pumikit. Umiling ako, patuloy parin sa malakas na pagkabog ang aking puso.

Lubos akong nagpapasalamat na panaginip lang ang aking nakita. Ngunit bakit parang totoo ang nakita ko? Na tila totoo na nakita kong duguan si Adrian?

Huminga ko nang malalim at naligo na lamang.

***

Nagsimula ang klase nang hindi parin nakakarating si Adrian.

"Fernandez, Annabeth," nagtaas ako ng kamay at sinabing 'present'. Tinignan ako ni sir at chineck ang hawak na record. Tumingin ulit si sir sa akin.

"Annabeth, how are you feeling right now?" napansin kong napatingin ang ibang kaklase ko sa akin. Naalala kong nahimatay nga ako kahapon.

"Uhm, I'm feeling well now, sir. Thanks you for asking." Sagot ko at tumango si sir.

"Felix, Adrian," walang agad na sumagot.

"Felix, Adrian?" tawag ulit ni sir. Tinignan ko ang upuan ni Adrian, bakante ito.

"Sir, absent po," sabi ni Lim at tumango naman si sir at nilagay ang record book sa mesa.

Nagsimula na agad si sir sa kanyang lecture. Habang nagdidiscuss siya ay patingin-tingin ako sa bakanteng upuan ni Adrian. Hindi ako makafocus sa pakikinig dahil sa aking mga iniisip.

Napatingin ako sa labas at doon naglakbay ang aking diwa. Hanggang sa natapos ang lahat ng klase namin sa umaga.

Habang naglalakad kami papunta sa canteen para maglunch, napansin ko si Aria na busy sa kanyang cellphone. Hindi ko nalang pinansin dahil ayoko namang manghimasok.

"Ano ba 'tong si Adrian," napalingon ako kay Aria nang banggitin niya ang pangalang iyon.

"Hays!" Aria.

"Bakit?" tanong ko, napatingin pa ako sa paligid. "Ano palang problema?" hinarap ako ni Aria.

"Ito kasing si Adrian eh, kagabi ko pa tinetext at tinatawagan pero hindi parin sumasagot. Hindi man lang ako kahit tinext," sagot ni Aria.

Laro Tayo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon