Kabanata 39

878 34 5
                                    

Kabanata 39


Annabeth's Point of View


Mas binilisan ko pa ang aking paglalakad hanggang sa narating ko ang park. Pumasok ako rito at nagtago sa isang puno.

Laging bukas ang park na ito kaya malaya lang nakakapasok ang mga gustong pumunta rito. Madilim ang park dahil pinapatay na nila ang ilaw sa mga oras na ito.

Napapikit ako saglit para pakalmahin ang sarili ko saka ako sumilip. Malapit lang ang punong pinagtataguan ko mula sa gate ng park.

Hindi mawala ang kaba ko noong nakita ko siyang huminto sa gate ng park at nagpalinga-linga. Nakasuot siya ng itim na sumbrebro, itim na jacket na pinaresan ng itim na pantalon.

Gabi na ngayon, salamat sa kulay dilaw na ilaw na dala ng lamppost at nakikita ko pa siya mula sa aking pinagtataguan.

Lumingon siya sa gawi ko kaya agad akong sumandal sa puno at tinago ang sarili ko. Nandidilat ang aking mata nang makita ko ang kanyang mukha.

At kilala ko siya.

Maingat akong sumilip habang pigil ko ang aking hininga. Nakita ko siyang tumakbo nang diretso at hindi na pumasok pa sa gate.

Napapikit ako at nakahinga nang maluwag.

Sammy, anong ibig sabihin nito? Bakit mo 'ko sinusundan?

Napaupo ako sa lupa at sumandal sa puno at agad na inilabas ang aking cellphone. Kasabay no'n ang pagkahulog ng papel mula sa bulsa ng pantalon ko.

Kahit kinakabahan ay agad kong pinulot ang papel at binasa ang laman nito.


Laro tayo, kapag hindi mo nasagot ang tanong nang tama. Mamamatay ka!

I have hair but I'm not a wig

I'm made of plastic but I'm not a comb

I have legs but I'm not a chair

You can dress me but I'm not a dog

I'm a toy but I'm not a board game


Binuksan ko ang cellphone ko at dumiretso sa messenger. Tinype ko ang laman ng note at sinend ito sa group chat namin nina Aria.


I have hair but I'm not a wig

I'm made of plastic but I'm not a comb

I have legs but I'm not a chair

You can dress me but I'm not a dog

I'm a toy but I'm not a board game

Aria

May natanggap ka naman?

Jason

Manika.

Manika ang sagot dito.

Andrew

Hinidi naman pwedeng manika ang papatay sa'kin.


***


Dumaan ang ilang araw hanggang sa nakabalik na kaming lahat sa eskwelahan. Binigyan kaming lahat ng mga kaklase ko ng special exam.

Laro Tayo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon