Kabanata 49

860 36 0
                                    

Kabanata 49

Jason’s Point of View


Binaybay namin ni Dexter ang daang tinungo nina Crystal kanina. Tahimik lamang kaming naglalakad, gamit ang flashlight ng cellphone namin bilang ilaw.

Ang ingay na aming naririnig ay ang ingay mula sa mga insekto at sa mga naapakan naming mga tuyong dahon at sanga.

“Ba’t parang ang layo ng pinuntahan nila?” biglang naitanong ni Dexter habang napapatingin sa paligid. “Eh ‘di ba, iihi lang naman sila?”

“Mga babae talaga,” komento ko na lamang, iginala ko ang aking mga mata. Nagbabakasaling makita ko sila.

“Pero, pare, hindi ko parin maiwasang mangamba para sa kanila,” rinig kong saad ni Dexter.

Napatigil ako nang bumilis nang biglaan ang tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan ito, napahawak ako sa aking dibdib.

“Jason, may problema ba?” napatigil din si Dexter sa paglalakad at tinignan ako.

“W-wala,” malakas parin ang tibok ng puso ko. “Wala ‘to.”

Alam kong hindi siya naniniwala ngunit tumango na lang si Dexter at nagpatuloy sa paglalakad. Simple akong napatingin sa paligid at sumunod sa paglalakad.

Sa aming paglalakad, may narinig kaming sigaw ng babae. Ang sigaw na iyon ay pumunit sa katahimikan ng paligid. Nagkatinginan kami ni Dexter.

“Si Claire ‘yon!” sigaw ko saka kami nagmadaling tumungo sa pinanggalingan ng boses. Halos madapa na kami sa aming pagtakbo.

Ilang minuto na kaming tumatakbo hindi parin namin mahanap si Claire.

“Asan na ba sila?” tanong ko habang nililibot ang tingin sa paligid. Hindi na magkamayaw ang aking puso sa lakas ng tibok nito.

“Dito,” sabi ni Dexter at sumunod na lamang ako. Nauna sa daan si Dexter, sa aming pagtakbo ay bigla na lang may napatid si Dexter kaya siya sumubsob sa lupa.

Nandilat ang aking mga mata nang makita ang dahilan ng kanyang pagtumba.

Natatarantang napaupo si Dexter sa lupa nang napagtanto niya kung ano ang kanyang dinadaganan. Inayos niya ang kanyang salamin saka niya iyon nakita.

“C-claire!” napausog si Dexter palayo sa katawang nakahandusay sa lupa.

Kahit na ako ay naninigas habang nakatingin sa katawan ni Claire, nilabanan ko ang aking katawan at pinilit ang sariling makalapit kay Claire.

Lumuhod ako sa kanyang tabi at chineck ang katawan niya. Huli na ang lahat, tuluyan nang binawian ng buhay si Claire.

Puno ng dugo ang katawan ni Claire na tila paulit-ulit itong sinaksak. Nakaawang ang kanyang bibig, pati ang kanyang mga mata ay nakabukas. Nakaririmarim ang kanyang anyo, uhaw sa dugo ang taong pumatay sa kanya.

Pumasok sa aking imahinasyon kung paano siya pinatay, ang kanyang pagsigaw at mga daing habang walang humpay siyang sinasaksak. Ang pasakit at hapdi na kanyang naramdaman habang unti-unti siyang pinapatay.

“Huli na tayo, w-wala na siya,” dilat parin ang mata ni Dexter habang nakatingin kay Claire. Tinignan ko ang mukha ni Claire, nilapit ko ang kanang kamay ko sa kanyang mukha at ginamit ito para isara ang kanyang mga mata.

Masakit at mabigat para sa akin ang iwan si Claire, ngunit wala na kaming ibang pagpipilian pa. Tumayo ako at nilapitan si Dexter na ngayon ay nakaupo parin sa lupa.

“Tara, wala na tayong oras.” Sabi ko at inilahad ang aking kamay para tulungan siya.

“Pero si Claire!” tinignan niya ako sa mata at binalik din ang kanyang tingin kay Claire. “Iiwan lang natin siya?” klaro ko sa boses ni Dexter ang panginginig.

Laro Tayo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon