Kabanata 12

2.7K 148 147
                                    

Annabeth's POV



"Ano ba kasi 'yon?" Inis na tanong ni Diana kay Lim, ito naman kasing si Lim pa suspense. May pa ssshhhhh pa siyang nalalaman eh wala naman kaming naririnig.


"Para kasing may..."


"May ilog!" Sigaw ni Richard, nagkatinginan naman kaming lahat dahil do'n. Ano naman kung may ilog? Maliligo sila?


Biglang naglakad si Lim kaya sinundan namin siya. Ilang lakad palang ang nagawa namin ay nakarinig na ako ng parang agos ng tubig. Parang may sapa o ilog, tama nga si Lim.


Noong narinig nina Aria at Anne ang tunog ng agos ng tubig ay nagkatinginan kaming tatlo.


"Guys, ssssshhhhh..." Napatigil kaming lahat sa paglalakad dahil sa signal ni Lim sa amin. Ano na naman ba 'to?


Dahan-dahang lumapit ang mga kaklase ko sa kinaroroonan ni Lim kaya lumapit na rin kaming tatlo. Para kasing may sinisilipan si Lim.


Hindi pa ako nakakalapit kay Lim ay nakarinig na akong ng tawa ng lalaki at babae. Hindi kaya?


Mabilis akong sumilip at nakita ko rin ang nakikita ni Lim. Sina Alfred at Crystal, naliligo sa ilog.


"Hoy! Mga walang hiya kayo! Sobra na ang pag-aalala namin sa inyo tapos naliligo lang pala kayo rito? Hindi niyo man lang kami inimbitahan!" Sigaw ni Jetter kaya mabilis kaming tumakbo patungo kina Alfred at Crystal.


Nakakatuwa ang sunod na nangyari, panay kasi ang pagsosorry nila Alfred at Crystal habang sina Andrew naman ay umaaktong teacher. Sobra ang sermon. Nagulat pa kami kung bakit maraming pagkain ang dala nila Alfred.


Sabi ni Crystal, ninakaw lang daw nila ang mga pagkain kay manang Dolores. May iba na sumabay sa pagligo, may iba naman na nakisawsaw lang sa tubig. Habang kami naman ni Aria at Anne ay nakaupo lang sa malaking ugat ng puno. Pero malapit lang naman kami sa kanila. May mga naka-upo sa malalaking bato at patay na kahoy.


Masaya ang lahat. Perfect na sana kaya lang may bumabagabag sa sarili ko. Parang nakita ko na kasi ang ilog na ito. Maganda rin ang falls, nakakrelax ang lamig nito kahit 'di naman ako naligo.


Napatingin kaming lahat kay Sammy nang bigla itong tumayo at nagsalita.


"Guys, heto ah katuwaan lang. May babasahin ako," anunsiyo niya saka binuklat ang notebook na hawak niya. Parang 'yan 'yong notebook na nakita ko kanina lang.


"Ano 'yan?" tanong ni Diana habang nakasawsaw ang paa sa tubig.


"Basta, ito. Dear diary,... alam mo bang ang saya-saya ko ngayon? Kasi naman, first day of school ko ngayon tapos nakapasok na ako sa top class ng section namin. Matagal ko ng pangarap na makapasok sa section na 'yon dahil nandoon ang crush ko. Si Jason,..."


"Oy Jason, kapangalan mo pa ang crush niya? Diary pala 'yan Sammy? Kaninong Diary 'yan?" Sabat ni Aria pero hindi siya pinansin ni Sammy at nagpatuloy lang ito sa pagbabasa. Umirap nalang si Aria.


"Alam mo bang minabuti ko ang pag-aaral para makapasok lang sa section na 'yon? At mataas na masyado ang grades ko dahil may inspirasyon ako. Maaga akong natutulog at gumigising para makapag beauty rest. Sinusubukan ko ring gumamit ng iba't-ibang klase ng skin care products para lang gumanda ako at mapansin niya ako. Pero parang hindi niya na ata ako mapapansin dahil isang nerd lamang ako..."


"Awwww, how sad naman 'yan. Kanino ba ang Diary na 'yan? Kay Anne?" Mapang-asar na tanong ni Claire. Napatingin na ang lahat kay Anne dahil siya lang ang nag-iisang babaeng nerd sa section namin. Pati kami ni Aria ay napatingin, kahit hindi naman kami naniniwala. Kilala namin ang crush ni Anne.


Napatayo si Anne saka nagsalita. "Hindi sa'kin ang Diary na 'yan, nagkakamali kayo." Pagtatanggol niya sa sarili niya habang nakayuko pero nagsalita ulit si Sammy.


"Anong hindi? Eh kitang-kita ang ebidensiya oh. PROPERTY OF ANNE. Deny ka pa eh nakasulat na dito." Sabi ni Sammy na nakaharap sa notebook niya. Lumapit naman si Coleen na parang pinipigilan si Sammy, parang may mali sa sinasabi ni Sammy.


"Patingin nga Sam," saad ni Christine saka binasa ang Diary.


"Oh may ghad kay Anne nga ang Diary, nakasulat Property of Anne, tignan niyo guys oh," sabi ni Christine saka pinakita sa iba pa naming kaklase ang diary. Napatawa sila nang makitang Anne nga ang may-ari. Tinutukso na rin nila si Anne.


"Pwede ba?! Tumigil na nga kayo?! Oh eh ano ngayon kung kay Anne nga iyang Diary?! Pagmamay-ari niyo ba si Jason?!" Sigaw ni Aria kaya napatahimik silang lahat. Nakikita ko sa mukha ni Dexter ang awa pati na rin kina Jason, Drew at Jetter.


Narinig kong humikbi si Anne kaya tumayo na ako at mahigpit nahinawakan ang kamay niya.


"Tara na nga! Bumalik na tayo! Panira kayo ng moment!" Sigaw ni Aria saka hinila kaming dalawa ni Anne.


Napansin kong nagsitayuan sina Jason, Jetter, Drew, Dexter at Lim saka sila sumunod sa amin. Naiinis din ako kay Sammy, sinira niya lang ang gabi. Ang saya na sana namin.



Coleen's POV



Nagsialisan na sila habang konti nalang kaming naiwan dito. Dahil sa inis ko sa bestfriend kong si Sammy, nagsimula na rin akong maglakad.


"Pati ikaw best iiwan mo 'ko?" Tanong ni Sammy kaya napatigil ako sa paglalakad. Nagsalita ako pero 'di ko siya hinarap.


"Sam, alam mong hindi kay Anne ang Diary na 'yan. Oo Anne nga ang pangalan ng nagmamay-ari ng Diary na 'yan pero hindi ang Anne na classmate natin. Kasama mo ako noong kinuha natin ang Diary na 'yan sa third floor. Mabuti pa, isauli mo na 'yan," sabi ko saka lumakad ulit.


Narinig ko pa ang sunod na sinabi ng ibang mga kaklase ko.


"Pumasok kayo sa third floor?" - Adrian.

"Hindii ba pinagbawalan na tayo? Bakit kayo pumasok?" - Diana.


Natahimik na silang lahat at sunod kong narinig ang mga yapak ng paa nila.




Crystal's POV



Dahil sa nangyaring gulo ay nagsialisan na ang mga kaklase ko at naiwan kaming dalawa ni Alfred. Mas mabuti nalang 'yon para masolo namin ang falls, ang sarap pa naman.


"Crysss,... andito na ako," mapang-akit na saad ni Alfred habang nakangiti pa ito saka siya lumangoy sa ilalim palapit sa akin. Napangiti nalang ako at hinintay siyang makarating.


Ngunit minuto na ang lumipas hindi pa rin siya umaahon.


"Fred?... sige na ahon na. Hindi na ako makapaghintay." Sabi ko, saka ko naramdaman ang pagyakap niya sa may hita ko.


Napapikit nalang ako dahil dinadama ko ang init ng yakap niya mula sa ilalim ng tubig. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umaahon, nakayakap pa rin sa may hita ko.


"Fred?... Umahon ka na baka malunod ka pa," saad ko pero hindi pa rin siya umaahon.


Nakapagdesisyon ako na sabunutan ang ulo niya. Nakasabunot ang dalawang kamay ko sa buhok niya at buong lakas ko siyang hinila paitaas, at nahila ko naman siya.


Ngunit nagimbal ako sa nakikita ko. Kaharap ko ang ulo ni Alfred, ngunit putol na ulo lamang ito!


Ramdam ko pa rin ang yakap niya sa may hita ko.


Nakadilat ang nangungugat na mata ni Alfred at nakatitig ito sa akin. Kitang-kita ko ang pagtulo ng dugo sa putol niyang leeg. Dumadaloy rin ang dugo sa kanyang mata, ilong at bibig.



"Aaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!"



*****


Kamusta naman ang chapter na ito?

Please vote and comment guys.

Laro Tayo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon