Kabanata 29
Annabeth's Point of View
"Anna... Anna gumising ka."
"Please."
"Anna, please gumising ka."
Nagmulat ako ng mata at mukha ni Jason ang sumalubong sa akin. Bahagyang napadilat ang kanyang dalawang mata.
"Anna! B-buti nalang gising ka na. Dadalhin kita sa infirmary," natataranta niyang saad at akmang bubuhatin ako.
"Huwag na," pigil ko sa kanya kaya siya napatingin sa mata ko. Ginamit niya ang kanyang bisig para alalayan akong bumangon at umupo.
"Ano ba'ng nangyari?" tanong ko at ininda ang konting hilo.
"Nadatnan kitang nakahandusay rito," sagot niya at tinignan ang paligid. "Ano ba'ng nangyari sa'yo?"
Bumalik sa alaala ko ang nangyari kanina bago ako nawalan ng malay. May babaeng bumubulong sa tenga ko. Tinatawag niya ako, sinisisi sa pagkamatay ng mga kaibigan ko.
"Anna?" napatingin ako kay Jason. Marahan akong umiling.
"W-wala," tinukod ko ang aking kamay sa sahig. "Nahilo lang siguro." Tinulungan niya akong tumayo.
"Okay ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo?"
"Okay na 'ko," ngumiti ako nang pilit. Alam kong hindi siya naniniwala sa akin.
"Ang mabuti pa ihatid na kita sa bahay n'yo. Ako na'ng magbibigay ng excuse sa mga teachers natin," saglit ko siyang tinitigan. Ayaw ko sana pero tumango na lamang ako sa huli.
Hinintay ko si Jason sa labas ng gate ng school dahil kinuha niya pa ang bag ko at kinausap ang mga adviser namin.
Nagtaxi lamang kami ni Jason pauwi ng bahay, sinubukan kong sabihin sa kanya na okay lang talaga sa aking umuwi nang mag-isa pero nagpumilit talaga siyang sumama kaya wala na akong nagawa.
Lumipad lang sa kung saan ang pag-iisip ko sa biyahe pauwi. Hindi ko parin kasi lubos na maintindihan ang sinabi sa akin ng babae kanina. Pakiramdam ko ay dapat may gawin na ako.
Naalala ko rin ang nangyari kanina papuntang school, sigurado ako. Nagpakita sa akin si Richard, ang hindi ko lamang maintindihan ay kung bakit ganoon na lamang ang tingin niya sa akin. Na parang ako ang may kasalanan.
"Nandito na tayo," bumalik ako sa reyalidad nang magsalita si Jason. Tumingin ako sa labas at napagtanto kong nasa tapat na pala kami ng bahay ko.
"Salamat," sabi ko kay Jason at inilabas ang wallet ko para magbayad.
"Ako na," saad niya. Tumango na lamang ako.
"Sige Jason, salamat ulit." Lumabas na ako ng taxi at dumiretso sa bahay.
"Anna, napaaga uwi mo? May nangyari ba? Na-cancel ba klase n'yo?" bungad sa akin ni yaya sa oras na nakapasok ako sa bahay.
"Meron po yaya, medyo masama kasi pakiramdam ko," dumiretso ako sa refrigerator at kumuha ng maiinom.
"Aba'y uminom ka na ba ng gamot?" nilapitan niya ako. Tumango ako habang umiinom.
"Opo, tapos na po. Binigyan po ako ng school nurse kanina."
"Mabuti naman kung gano'n. Nagugutom ka ba? May gusto ka bang kaninin?" umiling ako.
"Hindi na po, magpapahinga na lang muna ako," sabi ko at umakyat ng kwarto.
"O sige, basta bumaba ka lang dito 'pag nagugutom ka na, ha?" pahabol ni yaya.
Nagbihis kaagad ako pagpasok ko sa kwarto at dumiretso ng higa sa kama ko. Sinubukan kong matulog para narin makapagpahinga. Ngunit ilang segundo, minuto at oras akong nakapikit ay hindi ko parin magawang matulog.
BINABASA MO ANG
Laro Tayo (Completed)
HorrorHighest achievement: Rank 6 in Horror Simula ng makatanggap ako ng note, sunod-sunod na ang kababalaghan. At nalaman ko nalang na ang simpleng note na natatanggap ko ay siyang sanhi ng kamatayan. Nakatanggap ako ng note, at ito ang nakasulat: "Laro...