Kabanata 8

3.1K 151 22
                                    

Annabeth's POV




Two months have passed, and that two months made memories. Kaya naman August na ngayon at ito na ang araw ng training namin.


Maganda ang naging takbo ng mga lumipas na araw. Sa loob ng dalawang buwang iyon, nakilala ko ang lahat ng kaklase ko. May iba na hindi ko gaanong close, 'yong tipong classmates lang ang turingan. Meron namang mga maaarte kaya hindi ko nakakasundo at may ibang bully sa loob ng classroom Alpha-IV.


At syempre, marami akong naging kaibigan. I mean naging kaclose. Number one doon sina Anne at Aria, sila kasi ang itinuturing kong bestfriends.


Naging magbestfriends kami ni Aria pero hanggang ngayon, 'di niya pa rin sinasagot si Jetter. Kawawang bata nga eh, more than one year na pala siyang nanliligaw kay Aria pero hanggang ngayon 'di pa siya sinasagot. Pero sabi pa ni Jetter hindi raw siya titigil sa panliligaw kay Aria.


Eto namang si Aria, sinabi niya sa'kin na matagal na niyang gustong sagutin si Jett pero natatakot siya na baka masaktan daw siya.  Ewan ko talaga sa kanya.


Nag-iimpake na ako ng mga gamit ko para sa training. One week daw kasi ang training kaya nagdala ako ng 8 pairs na susuotin ko, mas mabuti na 'yong handa.


Exactly 4:30 PM na nang matapos ako sa pag-iimpake ng gamit ko. 5:00 PM pa naman ang biyahe kaya hindi ko na kailangang magmadali. Nakapagready na rin ako sa sarili ko, naligo, nagbihis at kumain. Mahirap na baka magutom lang ako sa biyahe. Sagot na ng school ang kakainin namin pero kumuha pa rin ako ng mineral water at tatlong bars ng chocolates at baka mabored ako.


Walang tao sa bahay nang umalis ako. At pagkalabas ko ng bahay, nakita ko na naman ang matandang babae na nagwawalis. Hindi ko nalang siya pinansin dahil sa naalalang panaginip saka sumakay ng taxi dala-dala ang maliit na maleta ko.


***


Pagkarating ko ng school dumiretso ako ng field dahil doon daw namin hihintayin ang bus. Hindi na ako nagulat kung bakit napakarami ng estudyante sa field dahil sabi ni Aria, marami raw ang members ng Environmental Organization.


Required din kasing sumali ang first section ng first year, second year, third year at fourth year. Marami ang Facilitator sa section namin dahil mostly, nasa amin ang mga President ng clubs. English club, Math club, science, filipino, history, red cross club, music club, drama club at marami pa.


"Naku best, excited na ako sa training. Ano na naman kaya ang pasabog ng mga teachers ano? Siguradong exciting 'yon. Tapos sa tent daw tayo matutulog. Yiiiiieeeeeehhhh." - girl 1.



"Ako rin best, excited na ako. 1 week pa naman ang training. Kinailangan ko pang lambingin si papa para payagan ako." - girl 2.


Pati ako napangiti nalang sa narinig, tingin ko mga second year students ang mga 'to.


"Beeeesssst!"


Nagulat ako nang may tumulak sa akin, ang lakas pa ng pagtulak niya na muntikan na akong madapa sa lupa. Brutal talaga.


"Excited na ako! Basta tabi tayo nina Anne sa tent ha. Malaki naman 'yon eh kaya siguradong magkakasiya tayo," masayang saad ni Aria, kitang-kita ko sa mukha niya ang excitement. Pati naman ako eh, excited din.


"Sige go ako diyan!" Pasigaw na sabi ni Anne na kararating lang, paniguradong narinig niya si Aria sa lakas ng boses nito.


Paunti-unting nagsidatingan ang mga kaibigan ko. Si Jason, Jetter, Andrew, Dexter at 'yong iba pa.


Nag-usap lang kaming mga magkaibigan hanggang sa dumating na ang bus.


"Heto na kami Narra! Humanda ka sa'min!" Sigaw ni Aria saka tumakbo papasok sa bus. Bigla naman siyang hinila ni Jett pabalik.


"Aria, hindi pa natin time. 'Di ba sabi ni sir paunahin muna natin ang ibang members? Kailangan nating magpahuli sa biyahe," paalala ni Jett kay Aria. Napapuot nalang si Aria dahil sa disappointment. Tumawa pa kaming lahat dahil sa inasal niya.


Matagal pa bago kami nakasakay ng bus, at hindi ko alam kung ilang bus ang dumating dahil sa dami nila. Siguro mga limang bus, o anim. Hindi ako sure.


Nagcount off kami at nalaman naming kulang kami. 30 kami sa section namin pero bakit kulang kami? 21 lang kasi kaming magkaklase ang nandito sa loob ng bus.


Sinabi ni Adrian, ang SSG president na una ng sumakay ang walong classmates namin. Nagalit pa si ma'am dahil hindi sumunod sa instructions ang mga kaklase ko. Pero kahit ganoon, tuloy pa rin ang biyahe. 5 hours daw ang biyahe namin kaya aabutin talaga kami ng 10 PM sa daan.


Pinili kong sumakay sa bandang bintana dahil 'yon ang trip ko, pang tatlong tao ang upuan kaya magkatabi kaming tatlo nina Aria at Anne. Ngayon ko lang din narealize, magkapareho pala kaming letter A ang first letter ng name.


6:PM na pero hindi pa gaanong madilim sa labas. Mabuti nalang at nakajacket ako, dahil nagsisimula nang tumindi ang ginaw idagdag pa ang aircon.


Nanatili akong gising habang sina Aria at Anne naman ay tulog. Napailing nalang ako at itinuon ang tingin ko sa labas.


Nangunot ang noo ko nang makita ko na naman ang malaking puno. Kanina lang kasi ay nakita ko ito.


Tinanggal ko nalang iyon sa isip ko at baka guni-guni ko lang.


Pipikit na sana ako nang makita ko na naman sa pangatlong pagkakataon ang malaking puno. Hindi ako nagkakamali, puno ng baliti iyon. At alam kong iisa lang ang punong iyon.


Nagsimula na naman akong kabahan, imbes na matulog ay mas nilapit ko pa ang mukha ko sa bintana, mabuti nalang at nakasara ito.


At sa pang-apat na pagkakataon nakita ko na naman ang puno. Ngunit ang pinagkaiba lang, may babaeng nakaputi na ang nakatayo sa tabi nito.


"Nakita mo 'yon?" Tanong ko sa sarili ko.


"Anong nakita?" Sagot ng katabi ko.


"Iyong babae sa puno," napalingon ako sa babaeng nagsalita. Ngunit nandilat ang mga mata ko dahil ang kaharap ko ngayon ay ang babae sa tabi ng puno kanina. Nakangisi siya.


"Anong babae?"



"Aaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh!"


***


"Hoy Anna gumising ka!"


Napadilat ako ng mata at malakas niyakap si Aria. Ramdam ko pa rin ang takot sa dibdib ko. Tagaktak din ang pawis sa noo ko.


"Ba't pinagpapawisan ka? Nakadrugs ka ba?" Takang tanong sa'kin ni Aria, hindi pa rin maalis sa isip ko ang mukha ng babae.


"W-wala. Uhmm, bakit mo nga ba ako ginising? Dumating na ba tayo?" Tanong ko habang humihiwalay sa pagkakayakap ko sa kanya.


"Maybe dumating na tayo, pero hindi."


"Ha? Bakit?" Humugot muna siya ng malalim na hininga bago nagsalita.


"Best,... naliligaw tayo."



*****


Please vote and comment guys.

Laro Tayo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon