Epilogo
Maingay ang paligid, marami ang nagtatawanan. Ang saya nilang pakinggan, tila walang pinapasang problema.
Nasa cafeteria ako, nakaupo sa upuan kasama ang ibang mga kilala ko.
Bakit ako nandito? Ang huli kong natatandaan ay tumalon ako patungo sa aking katapusan.
Napatayo ako at iginala ang aking tingin sa paligid. Maraming estudyante, nakangiti sila habang kumakain. May iba naman na nakaharap sa makapal na libro at nag-aaral.
"Anna, okay ka lang?"
Napatingin ako sa nagsalita, nakaupo siya sa aking harapan.
Si Aria.
Ang iba ay napatingin din sa akin. Si Anne na nakaangat ang ulo at tila nahihiya pa. Si Jetter, si Andrew na maingay at malapad ang ngiti, at si Jason na nagtataka ring napatingin sa akin.
"Anna," banggit ni Aria sa aking pangalan.
Patay na nga ba ako? Ngunit bakit ganito? Bakit nakikita ko sila?
"Patay na ba ako?" tanong ko sa kanila at isa-isa silang tinignan.
"Ha?" reaksyon ni Aria.
"Pfft! BWAHAHAHAHA!!!" malakas na tawa ni Andrew at nagpatuloy pa sa pagtawa. "Aray, ang sakit ng tiyan ko! BWAHAHAHAHA" napahawak na siya sa kanyang tiyan sa lakas ng kanyang tawa. "Patay na ba raw siya! HAHAHAHAHAHAHA!"
Habang pinagmamasdan ko si Andrew na tumatawa, naalala ko bigla ang kanyang anyo na puno ng dugo. Ngunit ngayon ay nasa harap ko sila, tumatawa.
"Ikaw talaga!" binatukan ni Aria si Andrew kaya ito napatigil sa pagtawa. Napahipo pa si Andrew sa kanyang ulo. "Tatawa-tawa ka pa parang close kayo!"
Napatingin si Aria sa akin at tila nagulat nang makita ang aking mukha. "Anna, bakit ka umiiyak?"
Napaupo ako at agad na pinunasan ang aking pisngi. Hindi ko agad napansin na tumulo na pala ang aking luha habang pinapanood sila. Hindi ko lang masukat ang saya ko na makita sila.
"W-wala ito, 'wag n'yo nalang akong pansinin," sabi ko na lang.
"Anna, baka sumama ang loob mo, ha? Ganyan talaga si Andrew, intindihin mo nalang," paumanhin ni Aria.
"Naku, okay lang," sagot ko at tumingin ulit sa paligid. Hanggang ngayon ay sariwa parin sa aking isip ang lahat ng nangyari sa amin sa baryong Narra, sa bahay ni Aling Dolores.
"Kita mo? Okay lang kay Anna. Ngapala Anna, muntik ko nang makalimutan," tinignan ako ni Andrew. "Sabi ni Diana pinapasabi raw ni sir na pumunta ka raw sa office niya mamaya."
"Para saan raw?" tanong ko, nagsimula akong kabahan.
"Para raw sa magaganap na Environmental Training," sagot ni Andrew.
Hindi ako mapakali habang nagrereport si Lim at Sammy sa harapan. Naguguluhan parin ako sa mga nangyayari, alam kong hindi panaginip ang lahat. Paano ba ako napunta rito?
Napatitig ako kay Sammy at Lim, kahit ngayon ay namimiss ko na sila. Ako ang naging dahilan ng kanilang pagkamatay.
Pagkatapos ng klase ay agad kong tinungo ang office ni sir.
"Sir, matutuloy po ba talaga ang event?" tanong ko noong natapos si sir sa kanyang paliwanag. Napakunot ang kanyang noo.
"Bakit? Ayaw mo bang sumama? I'm sure makakatulong ito sa lahat ng estudyante."
"Ah, hindi naman po sa gano'n. Tingin ko po kasi, malayo ang Baryong Narra." Kumunot lalo ang kanyang noo.
"Paano mo nalamang sa Baryong Narra ang location? Hindi ko pa naman sinasabi sa iyo?"
"May nakapagsabi lang po sa akin," halatang hindi siya naniniwala sa akin. "Sige po, aalis na po ako."
Agad na akong umikit at nagmadaling umalis.
Kahit hindi ko man naiintindihan ang sitwasyon ko ngayon, gagawa ako ng paraan.
Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi matuloy ang pagpunta namin sa Baryong Narra.
WAKAS
BINABASA MO ANG
Laro Tayo (Completed)
HorrorHighest achievement: Rank 6 in Horror Simula ng makatanggap ako ng note, sunod-sunod na ang kababalaghan. At nalaman ko nalang na ang simpleng note na natatanggap ko ay siyang sanhi ng kamatayan. Nakatanggap ako ng note, at ito ang nakasulat: "Laro...