Annabeth's POV
"Hindi ako sigurado eh, parang tungkol sa darating na training ang pag-uusapan niyo. Hindi ba English President ka?" Sagot ni Andrew sa'kin habang nginunguya ang sandwich niya.
"Oh? May training? Para saan?" Tanong ko pa sa kanya, kakasimula pa kasi ng pasukan tapos may training na agad.
"May Environmental Organization kasi ang school natin Anna, and every August gaganapin ang Environmental Organization Training o EOT---" hindi na natuloy sa pagsasalita si Dexter dahil sumabat agad ako.
"Oh eh ano namang koneksyon ng pagiging English President ko? Hindi naman ako member ng Environmental Organization na 'yan."
"Patapusin mo na muna kasi ako okey? Anna, being an English President is a big deal to all of us. And being the Alpha's English President ay nangangahulugan na ikaw ang English President ng English Club."
"Whaaaat?!" Hindi ko napigilang mapasigaw dahil sa gulat, naagaw ko rin ang atensiyon ng lahat dahil nakatayo na ako ngayon.
"S-sorry. Hehe," sabi ko saka mabilis na napaupo. Nakakahiya, teachers at students ang nakatingin sa'kin ngayon.
"Makinig ka muna kasi bago mag-react. So ayun nga Anna, English President ka ng Alpha class at ikaw rin ang President ng English Club. At dahil ikaw nga ang President ng English club, kasama ka sa Environmental Organization Training. Ipapaliwanag din 'yan ni sir Reyes mamaya."
Napatango nalang ako sa pahayag ni Anne. Haysh, naku naman! Bakit ba kasi naging English Pres. pa ako. Tsk.
***
4:30 PM na nang magring ang school bell. Lumabas na ang mga kaklase ko at ako naman si pagong naiwan dahil inayos ko pa ang gamit ko.
Hanggang sa tatlo nalang kami nina Aria at Jett ang nasa loob ng classroom.
"Anna, hintayin mo 'ko ah. CR lang ako sandali. Jett, una ka na sa faculty. Kasama ko naman si Anna eh."
"Pero---" hindi na nakareklamo si Jett dahil mabilis na sinarado ni Aria ang pinto pagtapos magsalita nito.
"Ayoko. Hintayin nalang kita rito," nakabusangot na sabi ni Jett saka pabagsak na umupo sa upuan.
Napailing nalang ako saka umupo sa upuan ko, tapos na kasi akong ayusin ang gamit ko. Nasa gilid ko lang si Jett, 2 seats apart ang layo namin.
"Anna," sambit nito sa pangalan ko kaya napalingon ako rito.
"I know that formality is not a thing sa modernong mundo natin pero hindi pa pala ako nagpapakilala ng pormal sa'yo. Jetter Noble pala at your service." Pilyong pagpapakilala niya saka ngumiti. Napatango nalang ako sa kanya saka ngumiti na rin.
Noong natapos na si Aria sa CR, lumabas na kami ng room saka naglakad papuntang English faculty. Mabuti nalang sinamahan ako ng dalawa kung 'di kakailangan ko pang gamitin ang campus map.
"Sige Anna, bye. Kita nalang tayo bukas ah. Bye-bye," magiliw na paalam ni Aria sa akin. Nag-wave na din ako sa kanya, tinanguan naman ako ni Jetter bilang paalam saka sila naglakad paalis.
Huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok sa faculty. Pagkapasok ko, may tatlong teachers ang nakaupo sa kanikanilang mesa. Dalawang babae, isang lalake.
"Good afternoon teachers," bati ko saka dumiretso ng lakad kay sir Reyes na busy sa pagbabasa ng kung anong papers.
Napansin niya ang presensya ko kaya napaangat siya ng ulo.
"Oh, Anna. Please, take a sit."
Umupo naman ako sa upuan na nakaharap kay sir. Nag-usap naman kami ni sir Reyes. Sinabi niya lang in advance na isa ako sa mga facilitator ng training. Pinaka top kasi ang Environmental Organization sa school kaya ang lahat ng president ng iba't-ibang clubs ay magiging facilitator sa gaganapin na training. August 5 daw gaganapin ang training at gaganapin ito sa labas ng school. Sa baryong Narra raw ang location, at one week ang training. Malayo-layo rin daw ang baryong iyon kaya 5 hours ang biyahe. Sinabi ni sir sa'kin na ibibigay na niya ang details pagmalapit na ang training day.
Pagkatapos naming mag-usap, dumiretso na ako ng uwi. Pagkauwi ko, hindi ko maiwasang mapatingin sa bahay na kaharap lang ng bahay namin.
Ano ba kasing meron sa bahay na 'yan?.
*****
Please vote and comment. Nakikiusap ako. Lol. Haha
BINABASA MO ANG
Laro Tayo (Completed)
HorrorHighest achievement: Rank 6 in Horror Simula ng makatanggap ako ng note, sunod-sunod na ang kababalaghan. At nalaman ko nalang na ang simpleng note na natatanggap ko ay siyang sanhi ng kamatayan. Nakatanggap ako ng note, at ito ang nakasulat: "Laro...