Kabanata 37
Annabeth's Point of View
Binitawan ko ang ballpen at napalunok na lamang habang pinagmamasdan ang sinulat ko sa libro. Silang lahat ay nakatingin sa kung ano ang aking sinulat.
"Anong ibig sabihin nito?" natanong ni Andrew.
"H-hindi ko alam, hindi ko alam kung bakit sinulat ko 'yan," saad ko.
"Isa lang ang ibig sabihin nito," napatingin kaming lahat kay Jason. "May susunod na, kung sino man siya siguradong nakatanggap na rin siya ng note na iyan."
"Pero, ano bang sagot sa riddle na 'to?" tanong ni Andrew. Sandali kaming nag-isip hanggang sa nagsalita si Jason.
"Water," tinignan namin si Jason. "Kung sino man ang makakatanggap ng note, kailangan niyang mag-ingat sa kung saan may tubig. Maybe ilog, swimming pool o sa beach."
***
Kinabukasan, buong araw kaming nakabantay sa mga kaklase namin. Inaalam namin kung sino sa kanila ang nakatanggap ng note o papel. Hanggang sa dinismiss na kami ng last subject namin sa hapon. Nagsitayuan na ang lahat at hinanda ang gamit para umuwi.
"Guys announcement lang," sigaw ni Diana na ngayon ay nakatayo sa harapan. "Alam nating lahat na final exam na bukas, kaya nagsuggest si Christine na why not mag-group study tayo sa bahay nila. Tutal malaki rin naman ang bahay nila. At matutulungan pa natin ang isa't-isa. So ano? Sino sasama?"
Nagtaas ng kamay ang karamihan sa mga kaklase ko. Nakita ko pang nagtaas ng kamay si Anne at Sammy. Anong meron? Sa pagkakaalam ko mahiyain si Anne pagdating sa mga bagay na ito.
"Sasama ka?" tanong sa akin ni Aria.
"Kung sasama ka sasama ako," singit ni Jason.
Umiling ako. "Medyo napuyat kasi ako kagabi, kaya 'di ako makakasama."
"Napuyat ka kagabi?" singit ni Andrew. "May ginawa ba si Jason sa'yo na hindi namin alam?" ngumiti ito nang makahulugan.
Binatukan siya ni Aria. "Aray! Sakit no'n, ah!" reklamo ni Andrew. Napairap lang si Aria. "Nagbibiro lang eh."
"Sasama ka?" tanong ni Jetter kay Aria na kakalapit lang. Umiling si Aria.
"Hindi na rin ako sasama," sabi ni Andrew.
"Ako rin," si Lim.
"May sasama pa ba?" tanong ni Diana. "Kayo Aria hindi ba kayo sasama?" umiling si Aria.
"Kayo nalang, wala kasing kasama kapatid ko sa bahay." Si Aria.
"Bahala kayo guys, magsisi kayo 'pag 'di kayo sumama. May swimming pool sa bahay ni Christine," nagkatinginan kaming lima nina Lim, Andrew, Jason at Aria dahil sa sinabi ni Lucas.
"Lucas, group study ang pupuntahan natin, hindi swimming pool. Umayos ka nga," sermon ni Diana.
"Diana sasama na pala kami!" biglang sigaw ni Aria. Nagtaas kami ng kamay nina Jason, Andrew, Aria at Lim.
"Okay, mas mabuti kung gano'n," si Diana. "Pero dahil ba ito sa swimming pool kaya sasama kayo?"
***
Ngayon ay nasa labas ng gate na kaming lahat at kahit nasa labas pa kami ng gate ni Christine, klaro na namin ang laki ng kanilang bahay. Binuksan ng gwardya ang gate at pinapasok kami.
"Grabe, first time kong sumali ng group study na ganito karami ang tao," sabi ni Andrew.
"Guys! Tignan n'yo oh! Ayon ang swimming pool! Ang ganda!" pasigaw na anunsiyo ni Lucas. "Ang ganda!"
BINABASA MO ANG
Laro Tayo (Completed)
HorrorHighest achievement: Rank 6 in Horror Simula ng makatanggap ako ng note, sunod-sunod na ang kababalaghan. At nalaman ko nalang na ang simpleng note na natatanggap ko ay siyang sanhi ng kamatayan. Nakatanggap ako ng note, at ito ang nakasulat: "Laro...