Kabanata 35
Annabeth's Point of View
Isa-isa kaming tinanong ng pulis kung nasaan kami ng mga alas-otso ng gabi noong gabing iyon. Sa aking pagkakatanda, nasa kwarto lang ako no'n, nagkikipagchat sa mga kaklase ko hanggang sa namatay bigla ang cellphone ko.
Naalala ko pa noong bigla na lang akong nagtype ng kung ano at sinend ito sa GC. Pagkatapos no'n ay hindi na ako makareply.
Noong tapos na kaming kausapin ng mga pulis ay agad na kaming lumabas ng AVR. Sabi ng pulis na kinausap na daw nila ang mga teachers namin kaya pwede na raw kaming umuwi.
Noong nasa labas na kami at medyo nakalayo na kami sa mga pulis, hinawakan ko si Aria sa braso at pinigilan ito.
"Aria," tumingin ako sa paligid para siguraduhing walang makakarinig sa amin. Kagaya ko ay napatingin din si Aria sa paligid.
"Bakit?"
"Pwede ba tayong mag-usap?" kumunot ang kanyang noo.
"Oo naman, pero tungkol saan?" napalunok ako at tumingin ulit sa paligid.
"Tungkol sa pagkamatay ni Adrian," nakita ko sa mata ni Aria ang pagiging seryoso. "Kailangan ko nang sabihin sa'yo ang mga nalalaman ko. At kakailanganin ko ang tulong mo."
"Anong alam mo?" hininaan niya ang kanyang boses.
"Hindi rito, kailangan tayong mag-ingat at baka may ibang makarinig. Mamaya sa bahay, doon tayo mag-usap." Tumango si Aria. "Salamat."
Sabay kami ni Aria na bumalik sa classroom at kinuha ang mga gamit namin at dumiretso sa gate ng school.
Noong nakarating kami sa gate ay hinarangan kami ni Jason, nakapamulsa siya at seryoso kaming tinignan ni Aria.
"Oh, Jason. Bakit ka nandito?" tanong ni Aria saka kami nagkatinginan dalawa.
"May problema ba Jason?" tanong ko dahil nakatingin parin siya sa amin.
"Meron," kumunot ang noo namin ni Aria. "Kayo."
"Hindi kita maintindihan," sabi ko pa.
"Gusto ko kayong makausap dalawa, mamaya. Sa bahay ko," nagkatinginan ulit kami ni Aria.
"Tungkol saan naman? Tsaka kaming dalawa talaga?" si Aria.
"Oo, kayo lang mapagkakatiwalaan ko sa mga oras na ito. Gusto kong pag-usapan ang mga nangyayari sa nagdaang ilang araw," nagcross-arms si Jason. "Ano?"
"You mean, tungkol sa pagkamatay nila?" hininaan ko ang aking boses noong tinanong ko siya.
"Oo," seryoso nitong sagot.
Pumayag kami ni Aria sa aya sa amin ni Jason. Kaya noong umuwi na kami, nagpaalam kami sa mga magulang namin na may gagawin kaming group study kasama ng ibang kaklase namin. Naniwala naman sila tutal malapit na din ang first periodical examination namin.
Noong nasa labas na kami ng bahay ni Jason, agad namin siyang tinext at pinaalam na nakarating na kaming dalawa ni Aria.
Pinatuloy niya kami ni Aria sa kanyang bahay. Napatingin pa ako sa labas bago tuluyang pumasok.
Maliit lang ang bahay ni Jason, simple at malinis ito. May maliit na mesa, at may isang set ng sofa.
"Uhm, Jason nasaan ba mga magulang mo?" napatigil si Jason at hinarap kami.
BINABASA MO ANG
Laro Tayo (Completed)
HorrorHighest achievement: Rank 6 in Horror Simula ng makatanggap ako ng note, sunod-sunod na ang kababalaghan. At nalaman ko nalang na ang simpleng note na natatanggap ko ay siyang sanhi ng kamatayan. Nakatanggap ako ng note, at ito ang nakasulat: "Laro...