Dominotrix

1.6K 49 0
                                    

Kailangang magbago ang karakter. Noong Victorian, nakita ng mga manunulat ang pangangailangan ng mga kabataan na matuto kaya ginawa nila ang Fairytale na may deep na character development like Alice's Adventures in Wonderland.

Character with an amazing virtue-Transformation that taught lessons in life-Happiness dahil sa lesson na natutunan niya

Ang question is how to stay consistent sa character nila.

1. Ang tip ko ay isulat mo ang obituary niya. Ano ang mga na-accomplish niya noong nabubuhay pa siya. Tapos balikan mo ang mga naging dahilan ng success niya. Sa paraang iyon magiging consistent ka sa mga bagay na constant tungkol sa kanya; traits, ambitions, hopes, etc.

2. Ibase sa totoong tao-alam kong may mga manunulat na tinitingnan ito na pandaraya (pero palagi ko itong ginagawa. H'wag niyo akong husgahan. Hindi ako kasing galing ng iba. hehe). Mas madaling maging consistent sa pagsasalita nila, mannerism nila, mga galaw nila, etc.

3. Dialogue- 'Yung pagsasalita pa lamang ng isang character alam mo na siya na 'yun, kahit wala pa yung mga dialogue tags (May mga exception sa rule). Pwede kang gumawa ng magkakahiwalay na document para sa bawat character. Isama mo sa document ang Bibliya ng karakter.

4. Commit sa Character-Kailangan mong i-immerse ang sarili mo sa mga karakter sa story mo hindi lang dapat sa bida. Siguro sa araw na ito damhin mo na ikaw 'yung bida, bukas ikaw ang kontrabida, tapos 'yung mentor, minion, foil, ficelle then guardian.

Writing TipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon