Hmmm? Kung sa narration, hindi mo dapat na direktang sinasabi kung ano ang nangyayari. Though, magbigay ka rin ng hints. Balansehin mo. Gumamit ka ng 'pagkukumpara' o 'simile'. Be creative.
Alangan namang sabihin mong ganito, "Pinasok niya ang kaniyang toot sa aking too. Kinantot niya ako nang kinantot." Ugh! Ang sakit sa mata. Nakaiirita. Iba ang porn sa erotica.
Why not write it like this:
Ipinasok niya ang kaniyang sandata sa aking makipot at masukal na kuweba—dahan-dahan. Paulit-ulit niya akong sinaksak nito—marahas, pabilis nang pabilis.
See the difference?
Matibay na 'characterization'. Bakit siya naging ganoon? Ano ang nagtulak sa kaniyang gawin iyon? Sino siya before and after mangyari ang scene? Basta. Lahat ng salik sa paggawa ng matibay na characterization. Para na rin mabigyan ng justice ang mismong akda. Lalo na ang twist, kung mayroon man. Malay ba naming nagkaroon siya ng trauma kaya siya nagkaganoon? Maraming possibility na maaari naming mai-interpret. Let your piece show us.
Tema at mensaheng nais iparating! Isa ito sa pinaka-pundasyon ng iyong akda. Hindi ka nagsusulat para lang sa kalibugan. Magsulat ka dahil may gusto kang aral na iparating sa mga mambabasa. Uulitin ko, iba ang PORN sa EROTICA!
Kapag erotica kasi, marami itong dapat na isaalang-alang na bagay. Hindi ko rin alam lahat pero base sa mga naging kritik ng aking akda, iyan ang aking natutunan.
Dagdag ni Hunnydew WP:
Research din. Lalo na yung mga may rape kung saan kung biktima ay magmamahal ulit tapos may pagtatalik na magaganap. Karamihan sa mga biktima hindi agad magagawa yon kasi may ptsd. Umaabot ng dekada bago nila makayanan ulit. Kaya ingat lalo na kung romance ang genre tapos may ganung paksa
BINABASA MO ANG
Writing Tips
Non-FictionAng librong ito ay naglalaman ng iba't ibang payo sa pagsusulat mula sa iba't ibang mga manunulat sa bansa.