Bihira ang manunulat na nagsusulat ng maikling k'wento, kadalasan ay mga nobela na naglalaman ng mahigit dalawampung-libong salita.
Hindi na ako nagtataka kung bakit maikling k'wento ang topic ng grupo sapagkat marami rito nagsusulat upang mahasa ang 'writing skills' ng bawat isa.
AT isa sa pinaka-magandang pagsanayan ang maikling k'wento.
Karamihan sa maikling k'wento ay may limitadong salita lamang.
Drabble........................................................ 100 words
Dagli (Flash Fiction) .................................. 200 – 100 words
Short story (Maikling k'wento)............... 1000 words to 15000 words
Dahil limitado ang dami ng salita ano-ano nga ba ang dapat ikonsidera?
1. Tauhan (Character). Sa maikling k'wento, mas madaling igiya ang umpisa hanggang katapusan kung nalilimita sa isa hanggang tatlong tauhan ang gumagalaw sa k'wento.
2. POV. Ang POV of view ay mahalaga, lalo na sa mga dagli na mula 200 hanggang 500 salita lamang. Mas mahaba i-narrate o i-k'wento ang pangyayari na nasa 3rd POV kaysa sa 1st POV.
3. Umpisa. Ang atake sa umpisa ng k'wento ang nagiging marka ng k'wento. Kahit gaano kaikli ang k'wento kung hindi tatatak ang umpisa ay hindi ito babasahin hanggang katapusan (akma para sa lahat ng uri ng sulatin). Pero dahil limitado ang salita, kailangan na-tumbok na agad ang kuryosidad ng mambabasa. Kailangan may kakaibang putahe na nakahanda para sa appetizer. Hindi p'wedeng paligoy-ligoy.
4. Suliranin. Karamihan sa maikling akda ay walang suliranin, tamang 'chill' na k'wento lang. Pero tandaan, karamihan sa walang sularinin ay nalilimutan rin ang ikalimang aspeto (moral lesson). Masyadong naibigay lahat sa plot twist at naubos ang word count sa panggulat.
5. Moral lesson. Kapag nalagpasan ng karakter ang suliranin kadalasan ay nag-iiwan sila ng aral na kikintal sa isip ng mambabasa.
6. Plot twist. Importante rin ang plot twist pero 'hindi' sa lahat ng pagkakataon. Kadalasan, ginagawang ending ang plot twist.... P'wede naman kaso dapat nasagot ang lahat ng inilatag na tanong sa isip ng mambabasa.
7. Ending. Ang maikling k'wento, simula pagkabata at naayon sa mga libro ng "PAGBASA" noong elementarya ay may iisang layunin. Makapagbigay impormasyon, mangaral, at humubog sa kaisipan at kaugalian ng batang mambabasa. Ang katapusan ang nagsisilbing bagong simula ng kaispan ng aral ng k'wento. Hindi ba?
BINABASA MO ANG
Writing Tips
Non-FictionAng librong ito ay naglalaman ng iba't ibang payo sa pagsusulat mula sa iba't ibang mga manunulat sa bansa.