Pagkakaiba ng show sa tell? Kapag telling, simpleng nagnanarrate ka ng mga pangyayari. Kapag showing pinaparamdam mo talaga ang emosyon. Ngayon, may nakita akong ilang articles na magbibigay din ng advice about dyan.
May caution din sa paggamit ng show not tell. May tendency yata kasi yung iba na dahil show nga, e idedetalye lahat. Ang gagawin e ilalarawan ang pagpatak ng pawis, pagpilipit ng tiyan, pagtikom ng kamay, lahat na pwedeng ma-describe.
Now, that's not necessarily a bad thing. I believe the point is showing is used to show emotion. Ginagamit ang show kapag kailangan mo ng emotion at telling ay maaring gamitin sa mga bagay na makakabigat pa sa kwento kung idedetalye.
Halimbawa, sasabihin mo na nagpunta ang character sa park. Kung wala namang mahalagang nangyari or wala lang maidadagdag na anything vital sa pagpunta nya sa Park, e maaaring makabagal lang kung idedetalye mo lahat.
Pagdating sa effective showing, may nabasa rin akong article na nagsasabing bukod sa physical reactions ng katawan ay maari ring gamitin ang mga iniisip ng character para magpakita ng emosyon.
BINABASA MO ANG
Writing Tips
Non-FictionAng librong ito ay naglalaman ng iba't ibang payo sa pagsusulat mula sa iba't ibang mga manunulat sa bansa.