Sa pagsusulat ng tungkol sa incest, pedophilia, at iba pang sensitibong paksa:
1.) Consider your own level of maturity. Or sa madaling salita: you have to be mature enough to understand the implications of writing such topics. Since sensitibo ang ganitong mga paksa, mayroon at mayroong magpupuna sa gawa mo at hindi lahat ay mga gusto mong marinig. Huwag basta-basta magsulat ng kuwento na may incest, etc. dahil ito'y uso, o may nahuhumaling na mambabasa lalo-lalo na't mga kabataan. At iyon nga: kadalasa'y kabataan ang nagbabasa sa mga ganito, so I will stress this: Be responsible with how you tackle the issue in your story. Alam na nati'y may mga mambabasa na namimis-interpret na okay lang ang incest, etc. sa lipunan. Maaring laganap ito sa ibang kultura, pero it is not the general norm. Pedophilia, on the other hand, is hardly acceptable. Sana'y naiinitindihan niyo iyon.
2.) Research. Hindi iyong basta't nasa kuwento ng iba, ay iyon na ang gagawin mong base. Gawin mo ang sarili mong pananaliksik. Ito ang pinakaresponsableng dapat i-consider pag nagsusulat ng mga sensitive topics. These include but are not limited to: rape, genocide, torture, slavery, graphic sex and fetishes.
3.) Consider your audience. These are ADULT topics. However, since karamihan nga ng mambabasa ay mga young adults, know the limits of your story. Huwag maging abala sa mga punang "ay KJ naman, playing safe" or "korni naman, hanggang doon lang?" Above all else, while a writer seeks to please readers, readers don't have to entirely dictate what you write. Pananatilihin ang integridad.
Lastly:
4.) Consider your purpose. Naku, sinusulat mo ba ang tungkol sa mga sensitive topics para mag- "what's hot" ang kuwento mo? Para makuha ito ng millions of reads? Stop right there. Ano ang iyong ginagampanan bilang manunulat? We are here to write about truth (kahit fantasy ang genre, hindi mawawala ang universal truths), or perhaps even enlighten. Fame is a bonus. Kapag maayos ang iyong pagsulat, you will be richly recognized by people that matter. It might take a while, pero mare-recognize ka at ang mga gawa mo dahil sa iyong effort.
Controversial ang ganitong klaseng payo. Hindi porque't FREE ang Wattpad o ibang writing platforms ay go lang nang go. Sinabi ko noon na oo, meron tayong freedom of expression. Pero may kaakibat na responsibilidad.
BINABASA MO ANG
Writing Tips
Non-FictionAng librong ito ay naglalaman ng iba't ibang payo sa pagsusulat mula sa iba't ibang mga manunulat sa bansa.