Macchiato Wenge

192 2 0
                                    


Sa totoo lang, ang pagsusulat ay hindi ipinipilit. May mga taong sadyang isinilang na nasa dugo na nila ang magsulat o sumulat, tulad ng mga mang-aawit na in born na talagang magaganda ang boses. Ngunit tulad din ng sa pag-awit na pwede kang mag-voice lesson para matuto, sa pagsusulat ay gayundin. Maaari kang mag-aral kung pa'no magsulat o sumali sa mga workshop o kung ano-ano pa. Ngayon, bago tayo lumayo sa paksa, itatanong ko muna kung bakit ka nagsusulat?

Kung may mga dahilan ka para magsulat, gawin mong gabay ang 'yon para ka magpatuloy. Magsulat ka nang may kasamang puso. Huwag puro sulat nang sulat pero walang emosyon. Dry ang resulta. Parang ulam na ginisa lang pero walang lasa. 

Magsulat ka nang hindi bumabase sa likes. 'Pag maraming likes, ganado ano? Pero 'pag wala o kakaunri, ayaw na magpatuloy. Sino ba ini-impress mo?

Magsulat ka nang may goal. Huwag kang magsalita na nagsusulat ka dahil trip mo lang, at titigil ka dahil trip mo lang din. Huwag gano'n. Mag-set ka ng goals, tulad ng, dapat matapos mo ang isang kwentong sinusulat mo, hindi puro simula; dapat mapansin din ang sinusulat mo, siyempre kung plano mo magpa-publish 'di ba? Kailangan mo din ng readers. Maging matiyaga at mapagpasensiya ka. May mga readers na mainipin, maiksi ang pasensiya, gusto may update agad ang kwento mo. Obligasyon mo rin kasing tapusin ang mga sinulat mo. Huwag mo silang paghintayin poreber. Kahit sabihing libre ang pagbabasa nila ng kwento mo. Tandaan mo, may sinimulan ka, dapat tapusin mo.
Ang kadalasan kasing nagiging dahilan kung bakit nawawalan ng gana ang isang manunulat ay dahil tinatamad sila.

Pangalawa, may kritikong 'di nila kinaya o matanggap ang negative feedback.

Pangatlo, may ibang priority.

Pang-apat, tingin nila hindi sila mahusay o magaling.

Panglima, ayaw nilang makipagsabayan sa mga magagaling na at sikat na.

Pang-anim, may personal na suliranin.

Pangpito, bina-bash ang kanilang akda.

Pangwalo, walang nagbabasa ng kanilang akda.

Pangsiyam, laging nire-reject ang mga ms nila.

Pangsampu, pakiramdam nila walang sumusuporta sa kanila.

Ano't anuman ang dahilan mo kaibigan, lagi mo lang isipin ang tunay mong dahilan kung bakit ka nag-umpisang magsulat. Kung talagang gusto mo 'yan, walang sinuman ang makakapigil sa'yo na gawin 'yan, at kung masaya ka sa ginagawa mo, ituloy mo. Basta lagi mong iisipin, may dahilan ka kung bakit ka nagsusulat.

Writing TipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon