Ang mga ingklitik o pang-abay na kataga ay mga salitang ginagamit upag magbigay diin sa mensahe ng pangungusap ngunit maaari ring tanggalin nang hindi nasisira ang kahulugan nito.
Mga halimbawa nito ay ang mga katagang 'raw', 'daw', 'rin', 'din', 'pala' atbp.
Sa paggamit ng ingklitik na raw at daw, kung ang sinusundan nitong salita ay nagtatapos sa katinig, 'daw' ang angkop na gamitin.
At kung ang sinusundan naman nitong salita ay nagtatapos sa patinig, 'raw' ang tamang ingklitik.
Hal:
Mali: Kaibigan rin kita.
Tama: Kaibigan din kita.
Mali: Ano daw?
Tama: Ano raw?
Kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa raw, ray, ri at ra, daw ang gagamitin.
Halimbawa ni Ella Samontina:
(mali) pari raw, (tama) pari daw
Dagdag ni TheOtakuPrince:
Ginagawang r imbis na d kapag nagtatapos ang salita sa patinig, sa letrang W, o sa letrang Y.
BINABASA MO ANG
Writing Tips
Non-FictionAng librong ito ay naglalaman ng iba't ibang payo sa pagsusulat mula sa iba't ibang mga manunulat sa bansa.