Dan Gaotinco

399 11 1
                                    

"Paano umpisahan ang istorya at paano ito mapananatiling kapana-panabik?"

Ang sagot ay may steps na mayro'ng pagkakahawig sa paggawa ng lesson plan. May OBJECTIVE, MOTIVATION, at DISCUSSION.

Objective - Hindi lang ito tungkol sa kung para kanino, para saan o kung bakit mo gagawin ang kwento. Objective here is the motivation of the writer to continue doing the story. May sense ba? Anong purpose ng magiging kwento mo? Could it be something personal, yes :) Malay mo, hindi lang ikaw ang mai-inspired. Pati pala ibang tao. Objective ang magga-guide sayo para hindi ka mawala sa track ng kwento, sa gusto mong maipakita, at Matapos mo ito ng hindi puro kasabawan lang, yung "Basta matapos ko lang"

Motivation - Catch attention. Madalas 'to sa prologue o sa umpisa ng kwento. "E paano nga 'yan?" Well, do not write the typical scenes. Bagong gising si Bida or 1st day ng school for example. Hindi ito ipanagbabawal, pero come on! We cannot avoid cliche but at least, try being unique kahit sa pagsisimula ng kwento.

Motivate the reader by living question to their minds. Pero wag masyadong malayo sa tatakbuhin ng kwento.

Discussion - This is about the flow of the story. Kapag walang relevance sa kwento o walang paggagamitan ang isang scene, wag ng isama. Ano gusto? Kahit sa story, MEMA na lang din? Hindi naman bawal pero siguraduhin mong atleast nakakatawa (majustify man lng ang existence sa nito sa story)

Sa Karakter, Wag namang self-proclaim. Pwede pero most of the time, show his traits by telling the things he do.

Gamit din minsan ng mga symbols hindi puro literal na lang. Natutuwa ang reader kapag nagegets nilang may ibang meaning ang "linya niya".

Lastly, Check your objective and motivation. Did you stick on the objective until the end of the story? Is your motivation really lead the readers to the flow of the story.

PS:Basahin pag natapos. Then do the final say. (Ikaw ang unang huhusga sa gawa mo.Huwag lokohin ang sarili.) Aminin kung pasado sayo. Kung hindi, wag sumuko,pwedeng magpahinga pero subukan uli. Kung oo, congrats! pero wag pa ringtitigil. Embrace progress.ta..

Writing TipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon