Rico Romero

296 12 3
                                    

Difference Between Dialogue Tags and Action Tags
-
DIALOGUE TAGS - Kadalasang tumutukoy sa pagsasalita o pagwika ng isang tauhan. Ilan sa mga halimbawa ay 'sabi', 'wika', 'pahayag', 'sigaw', 'tanong', 'sambit', 'anas' at 'anang' sa Filipino, at 'said', 'exclaimed', 'asked', 'declared' at 'whispered' sa Ingles.

They are always preceded by commas (NOT PERIODS), question marks, or exclamation points and always in lowercase form.
-
Examples:
-
Filipino
-
• "Ang baho mo na!" (s)ambit ko kay Dina Lily Go.
• "Masarap kumain ngayon tag-ulan(,)" (w)ika ni Andy.
-
English
-
• "Oh my gosh!" (s)he [exclaimed] in surprise.
•"You're a brat(,)" (s)aid the father to his daughter.
-
Tips sa paggamit ng dialogue tags:
-
1. Gumamit ng variation ng DT. Hindi 'yung puro 'sabi' lang. Ang ilang dialogue tags ay tumutulong din sa pagpapakita rin ng emosyon ng isang tauhan sa kanyang sinasabi.
-
Ex.
(1)
VAGUE:
"Oy, bilhan mo nga ako ng sigarilyo!" sabi niya.
BETTER:
"Oy, bilhan mo nga ako ng sigarilyo!"
pabulyaw na utos niya sa akin.
-
(2)
VAGUE:
"Magandang umaga, Mang Kanor!" sabi ni Neneng kay Mang Kanor.
"Magandang umaga rin, Neneng," sabi rin ni Mang Kanor.
BETTER:
"Magandang umaga, Mang Kanor!" masayang bati ni Neneng sa kanilang matandang kapitbahay.
"Magandang umaga rin, Neneng," sagot ni Mang Kanor sa batang babae.
-
2. Gumamit ng mga "pahabol" na dialogue tags, tulad ng 'dugtong', 'dagdag' at 'gatong' para hindi tuluy-tuloy ang pagsasalita ng tauhan. (Hindi ko alam ang tawag sa mga ito. Pasensiya.)
-
EX.
VAGUE:
"Anak, bumili ka ng suka sa tindahan." "Ay, bumili ka na rin pala ng toyo," utos ni Mama.
"Okey po, Mama," sabi ko.
BETTER:
"Anak, bumili ka ng suka sa tindahan," utos ni Mama. "Ay, bumili ka na rin pala ng toyo," dagdag pa ni Mama.
"Okey po, Mama," sagot ko.
-
3. Pwede ring hindi na lang gumamit ng dialogue tags, ngunit dapat alam ng mambabasa kung sino ang nagsasalita AT dapat ay isang talata lamang ito.
-
EX.
(1)
"Oh, Neneng. Nariyan ka pala," wika ni Mang Kanor.

"Oo nga po eh. Ang ku-kyut po kasi ng mga bibe ninyo. Maaari ko po ba silang makita ng malapitan?"

"Sige," pagpayag ng matanda.
-*-
ACTION TAGS - Pinapakita nito ang ginagawa ng isang tauhan habang nagsasalita. Kadalasan ay pandiwa ang mga ito.

They are always preceded by the punctuation used in the dialogue, and the first letter is always in the uppercase form.
-
Ex.
-
Filipino
-
• Kinuha niya ang tasa at nagsalin ng kape. "Oh, uminom ka muna." Inabot niya ang tasa kay Juana. "Salamat." Kinuha ni Juana ang tasa mula kay Maria.

Writing TipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon