Hindi ko talaga alam kung paano sasagutin ang tanong na 'yan. But for me, halata namang sobra ang emosyon ng Deep POV di ba? But first of all, Ano nga ba ang nakikita ng character mo? Make sure na ang mga salitang lumalabas sa kanyang bibig ay ayon sa kanya, hindi sa'yo o sa ibang tao. We see things differently. And writing a Deep POV is weaving emotions of your character in a story. This POV is like showing. Mas pinapakita ang emosyon at thought ng character mo. Dito mas nagiging evident kung sino ang character at dito mas nakikilala ang characters ng story mo. Writing a Deep POV is not simple, lalo na kung hindi ka marunong mag-drama. Oo, minsan kailangan mong maging ma-drama to be able to write a good deep POV but it depends pa rin on how you write or your writing style is. This is an example but I'm not sure kung counted ba ito:
[ Mas lalong sumakit ang dibdib ko. Hindi ko alam kung anong papansinin ko. Ang lalaking nasa harap ko na naghihirap o ang sarili kong unti-unting namamatay.
"Hindi ko akalain na ngayon pa kita bibitawan," nanghihinang wika ni Raphaelo. Sana tumigil na siya sa pagsasalita. Sana wala na siyang sabihing kahit anong makakapanakit sa akin. Sana bumalik na sa ayos ang lahat.
Hindi ko din akalain na bibitawan mo pa ako. Akala ko okay tayo? Masaya naman tayo, di ba? Sobra ba akong magmahal? Sabihin mo kung anong mali at itatama ko. Sabihin mo kung anong kailangan mo. Sabihin mo na ako, ako ang kailangan mo.
Bawiin mo na sinabi mong bibitawan mo ako.
Ang sakit-sakit na. Sa dinami-dami ng tao, ikaw pa ang magsasabi ng mga bagay na 'yan. Katulad mo lang din pala sila na kayang-kayang mang-iwan.
Kasi ako, hindi ko kaya. ] - from my story lol Amaranthine by AllyzaMaureen
BINABASA MO ANG
Writing Tips
Non-FictionAng librong ito ay naglalaman ng iba't ibang payo sa pagsusulat mula sa iba't ibang mga manunulat sa bansa.