Keigh Tayag

153 3 0
                                    


1. Don't push the character to fit into a certain stereotype - Sa mga stories, maraming characters ang naiclaclassify mo sa isang stereotype o archetype. Hindi naman yon masama, maaring maging negative kung wala na siyang ibang pagkatao maliban sa stereotype na na-assign sa kanya. Maari ka ring magbigay ng isang archetpal character pero bigyan siya ng isang ugali o trait na kabaligtaran o medyo taliwas sa archetype niya.
Not so sure, pero nagkaroon na pala ng Disney princess na kontrabida.

2. Think of someone you know personally- lahat ng tao ay magkakaiba. Maari mong ihalaw sa kakilala mo ang isang character.

3. Flesh out the character - automatic na mas interesting ang kwento kung 3d ang mga characters.

4. A character tic may help - simpleng habits or mannerisms ito tulad ng pagkagat ng kuko, paghawak sa baba o kakaibang pagtawa.

Examples.siguro ng mga kakaibang characters na na-encounter ko.
Saya Toma - detective na may pagkaweird at abnormal. Katulad ng ilang leads sa mga detective stories ay meron siyang eccentricity. Ang kaibahan niya ay weird siya kung weird.

Tessa - please correct me kung mali ako. I believe yan yung pangalan ng isang tauhan sa libro ni Bob Ong, ang Kapitan Sino. At first glance, iisipin mong siya ang leading lady. Pero kaiba sa usual leading lady ay very capable siya on her own at kumbaga hindi siya perfectly attractive for leading lady standards. Si Tessa ay bulag at may kaliitan pero capable na mananahi.


Writing TipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon