Sa totoo lang, mahirap talagang gumawa ng diyanrang humor/nakakatawang kuwento kung hindi ka masayahing tao at/o seryoso ka masyado sa buhay. Pero siyempre, nakadepende pa rin sa 'yo 'yon.
Here are my tips:
_
1. Bago ka siguro magsimulang gumawa ng kathang may diyanrang gano'n, isipin mo muna kung ano ang nakakapagpatawa sa 'yo.
_
Ex: Yung kaibigan mong macho na kapag nakakita ng ipis, daig pa ang pinagsamang bading at babae kung tumili. Lol. Hahaha!
_
2. Humor is equivalent to oddness. Ganito yung ginamit ko sa isang istorya ko, iniba ko yung personality ng nanay ng karakter ko sa mga 'inaasahang reaksiyon' ng reader(s) ko. Nagkaroon kasi ng mild accident ang anak niyang si L, tapos imbes na magngangawa ang nanay niya dahil sa pag-aalala, binatukan niya lang si L at itinanong kung ano ang pinairal nito (w/c is katangahan haha! Pero deep inside, nag-alala siya ng sobra sa anak niya) Gano'n niya lang ipinakita ang pagmamahal niya kay L. And oh, isa ring otaku ang nanay niyang tindera sa palengke. (Nag-plug ako, so what? *flips hair* chos hahaha!)
_
3. Read and research. Opkors, sa kahit saan namang isinusulat natin, kailangan 'yan. Nagbabasa rin ako ng humor manga online teehee. Malaking tulong, pramis!
_
4. Kung wala ka nang choice, gumamit ka ng kwelang pangalan. Ilan ito sa mga ginamit kong names: Juan Tutri (1...2...3), Bougart, Pepeng Smooth (drug addict) etc.
_
5.) Green jokes (sorry na haha! Madalas ko itong gamitin e *guilty*).
Ex:
(Ito ay blurb ng Dirty Fairytale ni grei_zivheart sa watty)
_
Blurb: Ang tunay na lalake, di allergic sa puke. Teka. Bago kayo mabastos. English yung puke diyan a? Yung suka sa tagalog. Lol. Pero kung bastos pagkakabasa niyo, basahin niyo na to. Maraming nakaka-green na ganyan dito e. Bwahaha.
_
6. Widen your imagination. Yan haha! Nagamit ko yan sa isa ko pang wanshit. Ganito kasi, mga alien sila na sobrang itim tapos kapag hindi ka sobrang itim, pangit ka sa lugar nila. Tapos bawat propesyon nila, nakadepende sa kulay ng underwear nila. Kapag pink, pulis tapos kapag colorless (censored haha) surgeon. (Plugging version 2)
_
7. Avoid discrimination. Kahit na humor ang istorya mo at fiction pa yan (note: iba't iba ang uri ng fiction at ang karaniwang ginagamit natin ay realistic fiction) huwag mong gamitin ang imperfection ng isang tao para pagtanawan. Say, ginamit mo ang isang karakter mo na sobrang taba na sinasabihan ng kung anu-ano at sasaktan para lang matawa ang readers mo, wag ganon. Bullying na 'yon e. Pero opkors again, depende pa rin 'yan sa kung papaano mo i-na-narrate ang istorya.
_
8. Ipabasa mo sa mga prends mo ang humor story mo. Kung natawa sila, woah! Idol! Ikaw na!
BINABASA MO ANG
Writing Tips
Non-FictionAng librong ito ay naglalaman ng iba't ibang payo sa pagsusulat mula sa iba't ibang mga manunulat sa bansa.