Ace Domingo

355 11 0
                                    

Magandang gabi. As Merriam Webster defined, writer's block is the inability to think of what to write or how to proceed with writing. Kapag ito ay naeexperience na, ano nga bang mabuting gawin?

Kimberly Villanueva (ilurvbooks) said when she had a seminar with us, that fighting writer's block is futile. Hindi po ito malalabanan. Masasabi ring ang writer's block is a form of katamaran, o kawalan ng gana sa pagsusulat. Aminin man po natin o hindi, madalas ay mangyari sa atin ito lalo na at may mga pagkakataon na para bang nauubos na ang ideya sa atin. Imagination is the fuel of a writer, and sometimes we run out of it. So, ano nga bang magandang gawin para mawala ang iyong writer's block?

Una, alamin mo kung saan nanggagaling ang inspirasyon mo. If your imagination starts when listening to music, then listen to music. You can either take a walk and observe people, read another story, watch a movie, or just simple daydream. Sa kahit na anong paraan, dapat subukan mong mapagana ang imagination mo.

Pangalawa, relax. Writer's block is sometimes a warning signal to us. Baka kasi pagod na ang utak natin sa paggawa ng mga kwento. Baka naman nastressed na tayo dahil sa pressure ng pagsusulat o kung ano pa mang problema na pepwedeng makaapekto sa atin. Surely, it is better if you sit down, take a deep breath, and let yourself breathe for sometime. Isipin mo na lang na day off mo ang writer's block sa buhay mo bilang manunulat and you have to make the most of that rest day.

Pangatlo, clear your thoughts. Sinasabi nila na ang isang manunulat daw ay walang pahinga. We are constantly visited by scenarios in our heads and maybe that is one of the reasons we experience writer's block at the same time. More often than not, we think of too many things at the same time. Paano ba natin irereveal ang ganitong scene? Anong klaseng confrontation ang maganda? Anong klaseng climax ang dapat para sa ganitong kwento? You see, overthinking sometimes exhaust us, and that is why writer's block happens sometimes. Mas maganda kung ilista mo ang mga dapat mong isipin at isa isa mo silang bigyan ng solusyon kaysa sa sabay sabay mo silang paganahin sa utak mo. Believe me, wala kang solusyon na makikita, mapapagod ka pa at ang resulta nun ay katamaran para sa pagsusulat.

Ito ang mga paraan ko para mawala ang writer's block ko. Nakakatulong ang pakikinig sa classical music para mas makapag isip ka. Huwag mo rin masyadong pagurin at pressurin ang sarili mo. Also, mas maganda kung sa simula pa lang ay may listahan ka na ng mga posibleng problema na maaring mangyari habang nagsusulat ka at mga solusyon mo para doon.

Writing TipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon