Christian Jey Gatchalian

1.1K 31 3
                                    


First, nagbabago talaga ang characters. I mean, sa pang-araw-araw mo na pakikisalamuha sa mga tao, lahat sila nagbabago bawat oras 'di ba? Sa simpleng pagkakamali lang, sa simpleng mga bagay na darating o mawawala, magbabago ang mga 'yan. That's why may tinatawag tayong CHARACTER DEVELOPMENT.

Malaking tulong ang "character development" para maging REALISTIC, INTERESTING, at UNIQUE ang karakter mo. Lahat ng tao nagbabago, tanggapin mo na. 'Yong mga ex's mo, minahal ka ng mga 'yan pero biglang nanlamig 'di ba? At anong nangyari? Naiwan ka sa ere, nakakapit sa mga ulap na unti-unti nang bumibigay hanggang lumagapak ka na sa lupa.

Lahat ay nagbabago. Lalo na ang mga tao.

1. BORING ANG ONE-DIMENSIONAL CHARACTERS. FLAT SILA. NAKAKA-ANTOK. Kapag wala kang pakialam sa character development, magkakaroon ka panigurado ng one-dimensional character/s. Hmm. Hindi naman lahat ng characters sa magiging istorya mo ay kailangang pasadahan ng character development, baka abutin ng isang milyon ang pages niyan. 'Yong mga "mahahalaga" lang. Alamin 'yong MAHALAGA, 'yong dapat pahalagahan, ingatan at hindi dapat basta-basta ipag-sawalang bahala, okay?

2. CLICHE, STEREOTYPES. Example, mayroon kang character na mayaman -- matapobre, masungit, lahat ng gusto'y nakukuha at higit sa lahat nag-under go ng plastic surgery. What's new? Walang bago. Every character must be unique kahit sa maliit na mga detalye lang. Kung gusto mong tumatak sa isip ng mambabasa ang karakter mo, aba, gawan mo siya ng kakaibang qualities. Bigyan mo ng twists and turns ang buhay niya.

And in this way, malilihis talaga ang istorya kapag may pagbabago. I mean, malilihis in a way na maiiba ng daan dahil nagbago ang karakter. Dapat naka-plano na ang paglihis habang sinusulat pa lang ang istorya. Pero may pagkakataon ding habang sinusulat, doon pa lang maiisip na "ah, wait, baguhin ko nga 'to."

3. ANG SARAP IRAPAN NG MGA "TOO-PERFECT" CHARACTERS. Alam n'yo na 'to, self-explainable. 'Yong mga tipong hindi na talaga makatotohanan, para bang ideal na sarili ng sumusulat.

4. PATAY NA CHARACTERS. Walang kabuhay-buhay. Malata ang reaction. All throughout the story, gano'n lang siya. LOL.

PAANO MAGKAKAROON NG PAGBABAGO (medyo nilihis ko ang sagot ko sa tanong dahil may PAGBABAGO)

1. Ang magik ay nasa mga detalye.

2. I-base sa mga totoong tao't totoong buhay, hindi basta sa mga napanuod lang o nabasa na sobrang unrealistic naman.

3. Lahat ay may PAST.

4. Paglaanan ng oras ang piyesa. Basahin nang ulit-ulit at ipabasa rin 'to sa iba.

PINAKASAGOT SA TANONG: Nagbabago ang mga karakter sa istorya. Hindi puwedeng kung ano sila sa simula e 'yon din sila sa dulo. Walang narating ang istorya, kung gano'n.

But if you're in a sense na paano hindi magbabago ang karakter--'yong tipong nagbago ang boses dahil medyo nawalan ka na ng time at matagal-tagal bago mo ulit natuloy, or parang nawala na sa loob mo kung ano siya noon kaya hirap na hirap kang pagalawin siya ngayon--well, TIME AND ATTENTION.

Kailangan in touch ka pa rin sa characters. Parang sa love, magbabago ang tao kung hindi mo nabibigyan ng sapat na oras at atensyon... kung marami siyang kaagaw sa 'yo. :)

Writing TipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon