deviantcath

334 8 0
                                    

"Paano uumpisahan ang istorya at paano ito mapananatiling kapana-panabik?"

Ito'y pawang opinyon lamang at ang ilan ay base sa aking karanasan bilang amateur writer.

◾ Paano uumpisahan ang istorya?

➡ Gumawa ka muna ng plot. Ilista mo lahat kung ano at paano ang magiging flow ng 'yong istorya. Sa 'kin kasi, inililista ko rin ang mga magiging karakter ng bubuuin kong kwento (kasama ang kanilang ugali, likes and dislikes, at role sa istorya). Inililista ko rin maging ang conflicts/twists ng istorya at saka 'yung mga mangyayari sa bawat kabanata. Dapat maging 'yung mga posibleng tanong ng readers ay may maisasagot ka. Mas maganda rin kasi kapag may plot kang ginawa. May pagbabasehan ka kung sakaling tinamaan ka ng writer's block.

◾ Paano ito mapananatiling kapana-panabik?

➡ Gawin mong worthy ang bawat kabanata mo. Hindi 'yung sabaw at mema lang. Kung mahaba ang chapter mo, at least may "sense" at may "connect" sa istorya. Kung maiksi naman, gano'n din. Maganda rin siguro kung maglalagay ka ng cliffhanger. 'Wag mo ring i-spoonfeed ang readers mo. May utak sila para mag-isip.

Writing TipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon