Kyrian18

582 21 0
                                    

#‎WritingTips

<medyo gets ko ang tanong kahit medyo magulo. Hehehe>

I call it, SKELETAL PLOTTING. That's just my term. Hindi lang sa pagbuo ng iyong character, kundi sa kabuuan ng istorya.

For charactes, kailangang mag-take down notes ka. Dapat buong-buo na siya, bago mo pa man isabak sa giyera. Parang sa animation, parang sa painting, dapat kompleto na ang details. Dapat kilala mo na ang character mo. Saka mo pagagalawin.

1. Physical - mula sa shape ng mata, sa kulay ng mata, sa kulay ng balat, sa buhok, sa height..

-> better kung realistic na, sa plotting pa lang.

Example: may nunal siya sa kaniyang noo, parang vampy ang dalawang pangil niya, may pimple sa pisngi, may peklat sa tuhod (example lang naman. Hahaha)

2. Ugali/Emotion/Inner Self/social/etc.

->siyempre! As usual, bawal perfect dito. (Hahahaha. A touch of reality, para ma-gets ng readers)

Masungit siya kapag madaming tao pero okay naman sa bahay.

Hindi nagsasalita sa klase, pero madaldal sa kapatid.

Matalino -> mathematician, pero lagapak sa English.

Duwag, pero may prinsipyo.

Etc. Etc.

Ikaw na rin ang bahala sa iyong skeletal plotting on how you imagine your character. Mula sa pangalan, edad,pang-ilan sa

magkakapatid, etc. Etc.

Guides.

Iyon ang nakasulat sa itaas. Saka mo ngayon balikan ang tanong about character's personality.

Mas maganda kung buhay ang character mo - kung paano niya inihaharap ang internal at external conflicts ng story. Tapos, kung ano ang nagbago, after.

Usually, kapag Inspi, madali lang makita..

"May natutunan ako sa dulo..."

-> ibig sabihin, na-develop mo nang husto ang character mo, lalo kapag nakita at naramdaman iyon ng readers

Sa simpleng skeletal plotting of characters, pangmatagalang guide ito upang hindi sila lilihis ng landas (sabi ng tanong. Hehehe)

Kung alam mo pa lang, loner siya at trip niya ang mapag-isa, you can't just create a scene na ang saya-saya niyang nakipagsayawan sa loob ng bar. Contradictive masyado. Dito, alam mo na kung ano ang specific personality ng iyong character. At kung ano ang writing approach para dito. Nagbabago ang personality nila, lalo na kapag nasa sitwasyon sila na kailangan nilang harapin ang napili mong conflict of interest.

You don't just write.

You have to create them, develop them, and love them.


Writing TipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon