Rico Romero

192 4 0
                                    


Nasanay ako sa pagsulat ng mga maikling kuwento na hindi tataas sa 500 salita. Heto ang aking mga tips sa paggawa ng mga maikling istoryang may limitadong haba (500 words pababa).

[•] Dapat maging interesado ang mga mambabasa ng iyong kuwento mula sa umpisa hanggang sa dulo.

[•] Isa-alang-alang pa rin ang tamang paggamit ng balarila, bantas, at pagkakabaybay ng mga salita (technicalities kumbaga).

[•] Gawing kawili-wili ang mga pangyayari sa kalagitnaan ng istorya.

[•] Dapat ay mag-iwan kayo ng isang malaking impact sa mambabasa sa ending ng kuwento.

[•] Magiging ka-akit-akit basahin din ang iyong kuwento kung kakaiba ang pamagat nito. Pero minsan, ang mga ubod ng cliché na pamagat ay nakaka-attract din ng mga mambabasa.

[•] Gawing kaunti lamang ang mga tauhan sa kuwento. Hindi naman nobela ang iyong gagawin. Gawin ding simple lamang ang deskripsyon ng iyong mga tauhan. Makatutulong dito ang paggamit ng appropriate dialogue and action tags.

--

HALIMBAWA sa paggamit ng dialogue at action tags:

(mula sa "Tatlong Bibe" ni Rico13XD)

"...Napadaan siya sa tapat ng dampa ni Mang Kanor, isang matandang kapitbahay nina Neneng. Nakita ni Neneng na pinapakain ni Mang Kanor ang kanyang alagang tatlong bibe. Sa tatlong bibeng iyon, ang isa'y may pagkamataba, ang isa'y may pagkamapayat, at ang isa'y laging nasa likod ng dalawa.

"Mang Kanor! Mang Kanor!" masayang tawag ni Neneng sa matanda.

Napatingin naman si Mang Kanor sa batang babae. Napangiti siya kay Neneng at winika, "Oh, Neneng, nandiyan ka pala!"

"Oo nga po, Mang Kanor. Ang ku-kyut po kasi ng mga bibe ninyo. Pwede ko po ba silang makita ng malapitan?"

Lihim na napangisi si Mang Kanor. "Sige, pumasok ka para makita mo ang aking tatlong bibe."..."

Writing TipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon