➡ Ayon sa pagkakaintindi ko sa sinabi ni Ms. Yuffie, there is no such thing as male and female POV unless you're creating a 'stereotype' character. What we need to do is to create a compelling character with strong/believable personality.
My example:
A: Gawin na natin 'to ngayon! Mapapahamak si Rin!
B: Magplano muna tayo bago gawin ang bagay na 'yan.Now, can you tell me which one is the male or female character? Hindi, 'di ba? Pero malalaman natin ang pinagkaiba ng personalidad nila.
In A, we can tell that he/she is somehow reckless. Sugod lang nang sugod sa laban na kabaligtaran naman ng kay B. Kay B, siya yung tipo ng tao na nagpaplano muna bago gawin ang isang bagay. Slowly but surely 'ika nga. May pagka-kalmante rin siya.
Iba't iba kasi personalidad natin. May kaibigan ako na lalaki nga siya pero marunong mag-gay lingo. Pramis, lalaki talaga siya haha!
--Talking about stereotype--
A: Gosh! Napupuno na ako sa 'yo ah! Bakit ba ayaw mo itong kainin ha? Ang arte mo ah! (obviously, she's a she)
B: Ang arte mo. (he is a he.)
Female POV - marami pang sinasabi at ikinukuwento bago dumating sa pinakanais niyang sabihin.
Male POV - direct to the point. (PS: Sa paggagawa ng Male POV, avoid using 'gosh!', 'OMG', 'So eeww' na mga salita, na kalimitang sinasabi ng babae).
Opinyon ko lamang po ito ayon sa mga nababasa ko. Ikaw pa rin ang awtor at sa iyo pa rin nakasalalay ang ikatatakbo ng kuwento mo.
BINABASA MO ANG
Writing Tips
Non-FictionAng librong ito ay naglalaman ng iba't ibang payo sa pagsusulat mula sa iba't ibang mga manunulat sa bansa.