1. Character. Para sa akin, ito ang nagpapa-gana ng isang kwento. Kung wala sila, kwento pa ba 'yan? Syempre hindi. Before writing, know your character first. Pwede mong isulat ito or take down notes kung sino and character mo. (I suggest this guide- Link: http://www.epiguide.com/ep101/writing/charchart.html)
2. Setting. Imagine it. Ikaw ang bahala kung paano mo mai-interpret ang setting by words. Depende na sa imagination ng readers mo kung paano nila ito naintindihan but mas maganda na kung ano 'yong na-imagine mo ay 'yon ang maiparating mo.
3. Plot. This is one is easy for me dahil lagi kong dinadaan sa plot 'yong story ko. Pero, avoid cliche plots. Kung kaya mong mag-isip ng plot na wala pang nakakagawa, better but kung may pagkakatulad sa iba, make your story unique kahit papaano. Pwedeng maiba dahil sa style of writing or characters. Depends sa'yo. (By the way, mas maganda kung sinusulat mo ang ideas para sa plot.)
4. Conflict. Avoid having conflicts na napre-predict ng readers mo. Konti na lang 'yong mga ganito kaya napapahanga talaga ako minsan. Like mapapasabi ka na lang, "I didn't see that coming." Sorry, wala akong maisip na tips para dito.
5. Theme. Madali lang ito. Ito ang idea ng kwento mo. Huhu wala rin akong mabigay na tips para dito. I think, huwag kang lumayo sa theme ng story mo.
BINABASA MO ANG
Writing Tips
Non-FictionAng librong ito ay naglalaman ng iba't ibang payo sa pagsusulat mula sa iba't ibang mga manunulat sa bansa.