Hindi ako isang professional writer but I just wanted to share kung ano ang experience ko sa pagsusulat. Paano nga ba uumpisahan ang istorya? Para sa akin, hinahanap ko ang mga bagay na magbibigay inspirasyon at ideya sa akin. Ayaw ko umpisahan ang istorya ko in a cliche way dahil nakakasawa na ito. Mas maganda kung simula pa lang ay marami na ang naging interesado sa story mo. And to do that, avoid cliche prologue or mas maganda avoid writing cliche stories. (Hater talaga ako ng mga cliche stories) Next is, mas maganda kung ma-hook mo ang mga readers sa way of style of writing mo lalo na't kung umpisa pa lamang. 'Yung kapag binasa mo ang prologue, masasabi mo sa sarili mo, "Ano kayang susunod na mangyayari?" First impression ang prologue mo kaya mas maganda kung maging page-turner ang story mo. And another tip, Mas maganda kung may pagka-mystery para mapapatanong ang readers. 'Yung wala silang clue about sa mangayayari but they will know the glimpse of the story.
Next naman ay, Paano mapananatiling kapana-panabik? Huwag mong madaliin ang sinusulat mo. Take things slowly. Make everything goes into a process. Make sure na makikilala namin ang mga characters para mas lalo kaming mahulog sa kanila as a reader and naroon pa din ang pagiging interesado namin sa story. Para sa akin kasi, ang mga tauhan ang nagbibigay interest sa readers. Katulad ng sinabi ko kanina, make your story a page turner.
Other tips lol
1. Readers will have expectations sa story mo. Kahit na cliche, kahit ayaw ko, I still appreciate them kasi nakakatuwa silang manggulat ng readers. Like you never expected na mangyayari 'yun but nangyari. Nakakatuwa kung manggugulat ka sa mga story mo and that will keep the interest of the readers.
2. Make us feel what the characters feels. (huhu paano kung rated SPG? idk HAHHAH jk) Sometimes, nahuhulog tayo sa mga character kaya we still have interest sa story. Ilang beses na akong nahulog sa mga lines na binibitawan nila na kahit ulit-ulitin ko ang story, I still have interest, 'yung tipo na hindi ako nagsasawa.
HAHAHAHAH feeling ko ang useless ng mga sinabi ko. I'm a modern writer kaya sorry kung napaka-informal ko magsulat but I'm hoping na madagdagan ang knowledge ko sa pagsusulat in Filipino.
BINABASA MO ANG
Writing Tips
Non-FictionAng librong ito ay naglalaman ng iba't ibang payo sa pagsusulat mula sa iba't ibang mga manunulat sa bansa.