Ginalyn Belen Bronola

426 12 0
                                    


Paano mapanatili ang personalidad ng tauhan sa kwento, hanggang sa dulo, na hindi nalilihis sa istorya?

Hindi ko alam kung tips ba ito pero ito ang ginagawa ko so it might not be applicable to everyone.

1. Bago mo i-post ang isang istorya dapat buo na ang plot or storyline mo. Malaking tulong din po kapag may summary per chapter or bullets points na ang story para hindi na maligaw ang kwento pati na din ang mga personalidad ng mga character. Bullet points po ang tawag sa series of events na mangyayari sa isang chapter or story.

2. Internalize your character. Importante po ito kasi mas magiging natural ang personality ng character mo at mapapanindigan mo ang personality niya hanggang sa dulo ng kwento. Katulad ko po, hirap po akong magsulat ng kwento kung ang babaeng character sa kwento ko ay mahinhin, martyr at mahina dahil hindi po ako maka relate sa kanya.

3. Be consistent all throughout your story. Bago mo isulat ang isang dialogue o point of view ng character isipin mo muna kung nababagay ba sa ugali ng character mo ang isinusulat mo. Kung may shift man ng personality dapat po naipaliwanag ng mabuti sa kwento kung bakit naging ganun o kaya may gradual changes sa kwento na pinapakita na magkakaroon ng shift ng personality. Mamaya prim and proper tapos mahinhin ang character mo then sinabihan lang na pangit ay bigla na lang nanabunot.

Yan lang po ang maishare ko at based lang po yan sa experience ko at kunting natutunan sa seminar sa Screenwriting Workshop with Direk Joey Reyes. Kunti lang po talaga ang natutunan ko sa workshop na yun kasi lumilipad ang isip ko sa kung ano ang meryenda at lunch namin sa workshop. Sana madami akong natutunan kung nakinig lang ako.

Sorry kung mahaba.


Writing TipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon