Adrypt_Malikot

186 3 0
                                    


 Kapag ikaw ay nagsusulat ng isang kwento na may ganitong tema, unahin mong isipin kung sino-sino ang iyong mambabasa nang sa gayon malalaman mo kung paanong atake ang gagamitin mo. Hindi natin maitatatwang maraming batang readers sa wattpad.

Kung magsusulat ka man ng mga kwentong may temang INCEST, PIDOPILYA, at LGBT, suriin mo itong maigi. Kung nakabasa ka na ng mga kwento na may ganito at hindi mo nagustuhan ang mga sangkap na nabasa mo, huwag mo nang ihalintulad doon ang kwento mo. Much better, huwag kang copy-cat. 

Ilagay mo ang sarili mo sa mga babasa ng akda. Kapag nabasa ba nila yan anong magiging reaksyon nila? Lalo na sa mga maseselang isyu gaya ng RAPE. Maiging maging maingat sa bawat eksena at magresearch kung kinakailangan.

Sa paggawa ng kwento, hindi ka lang nagkwekwento kung 'di nagbibigay ka rin ng kaalaman sa mambabasa. Nagbibigay ka rin ng aral.

Oo ang pagsusulat daw ay pag-e-express ng sarili or talent. Hindi naman na mawawala ang mga manunulat na nagsusulat ng mga kwentong may temang ganito lalo pa at gusto nilang mag-explore, dangan nga lamang ay marami kang dapat isaalang-alang lalo na ang mga salitang gagamitin mo, mga eksenang dapat isulat, ano bang aral ang dapat na makuha nila rito o mga bagay na makakapagbigay kaliwanagan sa kanilang isipan.

Maselan ang kwento kaya dapat maselan din ang pagsusulat nito. Hindi lamang puro puso ang paiiralin, samahan mo na rin ng tamang pag-iisip.  

Writing TipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon