#WritingTips ko para sa topic na, "Paano mapapanatili ang personalidad ng tauhan sa kuwento, hanggang sa dulo, na hindi nalilihis sa istory?"
Dahil hindi ko nakuhanan ng litrato yung notebook ko ay ibibigay ko na lang yung step-by-step kung ano yung ginagawa ko para consistent ang personality ng characters.
For the main characters...
1. Isusulat ko yung BACKSTORY nila para alam ko kung bakit nagkaroon sila ng certain na ugali. Syempre, may dahilan kung bakit ganito ang mga iniisip at ginagawa nila.
2. Isusulat ko kung paano sila magkuwento sa kanilang POV. Gumawa ako ng mga category para mas mapadali ang trabaho ko. Ima-match ko na lang sa pesonality nila. E.g. Puro hugot yung babae at past ang iniisip niya habang yung lalaki ay laging iniisip ang hinaharap.
3. Isusulat ko yung positive traits, flaws, and quirks nila. Meron na akong sinulat tungkol sa lessons ng story ko kaya hindi ko na nilagay pa yung magiging changes sa personality nila sa dulo ng story (kilala ko na kasi yung characters ko haha).
4. Isusulat ko yung physical characteristics niya.
5. Dahil romance ang genre ng story ko, may dinagdag akong mga info. Isinulat ko kung ano yung love language nila, paano sila magmahal, at kung ano ang nararamdaman nila kapag in-love sila.
6. Lahat ng information tungkol sa kanila ay nasa notebook para madali itong makita, ayusin, at baguhin. Lagi ko itong katabi kapag nagsusulat ako ng story.
For other characters...
1. Sinusulat ko ang physical characteristics nila, positive traits, flaws, contribution sa story, at other infos.
Iyon lang! Sana makatulong ito sa inyo.
BINABASA MO ANG
Writing Tips
Non-FictionAng librong ito ay naglalaman ng iba't ibang payo sa pagsusulat mula sa iba't ibang mga manunulat sa bansa.