Elementary ako noon nung naranasan ko ito. Grade six to be exact. Kasalukuyan kaming nag kaklasi nun. Tahimik lang akong nakikinig sa aming guro na nasa aming harapan. Minsan, nag tatake down ako ng notes para mas maintindihan pa ang nais niyang iparating sa amin.
Tahimik ang mga kaklasi ko at nakatuon ang atensyon sa adviser namin. Science ang tinuturo niya. Nang bigla akong nakaramdam ng pagkaihi. Kaya kinalabit ko ang seatmate ko slash bff kong si Grace.
"Grace! Naiihi ako. Samahan mo naman akong mag banyo, oh! Please" Mahina kong bulong sa kanya. Baka kasi mahuli kami ni maam na nag chichismisan.
"Claire naman! Kita mong nakikinig ako dito, eh! Istorbo ka naman!" mahina niyang reklamo.
"Sige na. As if naman nakikinig ka. Saglit lang 'to." Pagpupumilit ko pa sa kanya. Jusko! Ihing ihi na ako. Feeling ko punong puno na ang pantog ko at any minute na lang babagsak na siya.
"Claire naman! Ang lapit lang ng banyo, oh! Ayan lang!" Turo niya sa likod ko. "Nagpapasama ka pa. Naduduwag ka lang yata, eh!" Dagdag niya at inismiran ako.
Sumingkit ang mga mata kong malaki sa sinabi niya. Kita mo 'tong babaeng 'to! May sinabi ba akong malayo? Kapag nagpapasama ba takot na agad? Hindi ba pwedeng gusto ko lang ng may kasama para hindi boring?
Inikutan ko siya ng mata at nag taas ng kamay. Agad din naman itong napansin ni maam kaya nagpaalam akong mag babanyo lang. Pumayag naman siya. Tumayo na ako at nagtungo sa banyo. Sa totoo lang ayaw kong magbanyo sa banyong 'to. Medyo may kaliitan ang banyo namin. Walang pang ilaw. May kunting bintana naman pero hindi sapat ang liwanag na pumapasok dito.
Napabuntong hininga na lamang ako. Pumasok na ako. Bumungad sa akin ang kadiliman. Tanging timba at tabo lang ang nandito sa loob. Umupo na ako sa bowl at pinaandar ang gripo. Para kahit papaano ay magka ingay naman. Ang sakit kasi sa tenga ng katahimikan.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-ihi ng may marinig akong iyak. Isang mahinang iyak. Boses ng babae. I think nanggagaling sa kabilang room. Pinatay ko 'yong faucet at pinakinggan ng maigi. Nang makumpermang isa nga iyong iyak ay dali dali akong nag-ayos ng aking sarili. Finlush ko 'yong ihi ko doon. Syempre. Lalabas na sana ako para echeck ang kabilang room kung saan ko narinig ang iyak. Napatigil ako.
Walang pasok sa kabilang room. May sakit daw 'yong guro nila. So, how come may tao sa loob? Baka janitress. Pero, wala naman kaming janitress sa school. Kami mismo ang naglilinis ng room namin. So, paano? Tumahimik ako saglit. Naririnig ko na naman siya. Kung kanina mahina lang ngayon palakas na ng palakas ang iyak niya.
Umalingawngaw sa loob ng banyo ang nakakarinding niyang iyak. Sa hindi ko malamang dahilan I just found myself looking at that hole. May maliit kasing butas malapit sa faucet na sa unang tingin hindi mo mapapansin. Mukhang doon nanggagaling ang iyak. Sinubukan kong ilapit ang aking kaliwang mata sa butas. Nagbabakasakaling makita ko ang dahilan ng iyak. Sa paglapat ng aking mata ay bumungad sa akin ang banyo ng kabilang room. Walang tao.
Nang biglang bumukas ang pinto. Nakalimutan kong mag lock. "Hoy! Anong ginagawa mo dyan!" Ani Grace na nakatayo sa amba ng pinto.
Pumasok na rin ito sa loob. Nagtataka man ay binaliwala ko na lang iyon.
"Wala. Tara na nga!" Yaya ko sa kanya.
"Teka! Naiihi na ako. Huwag ka na lang umalis." Pigil niya sa akin at isinara niya ang pinto.
Dahil no choice ako hinintay ko na lang siyang matapos sa pag-ihi. Binuksan niya ang faucet at nagsimula ng jumingel bells. Mabilis lang siyang natapos at finlush agad ito. Pinatay niya ang faucet. Aalis na sana kami kaso napahinto ako. Naririnig ko na naman siya.
"Grace? Naririnig mo 'yon?" Tanong ko sa kanya.
"Ang alin?" Sagot niya.
Nangunot ang noo ko. Ako lang ba ang nakakarinig sa kanya? Imposible naman. Sa sobrang lakas ng iyak niya ay dapat naririnig rin siya ni Grace. Gumapang na ang takot sa aking katawan. 'Yong iyak niya kasi parang may iba. 'Yong tipong parang sobrang lalim ng boses niya pero malakas.
"Wala kang naririnig Grace? I hear someone crying. Pakinggan mong mabuti." Sabi ko sa kanya. Todo naman ang iling niya.
Nakatitig lang ako sa kanya. Kita ko naman siya kasi may maliit na liwanag galing sa bintana pero gaya ng sabi ko hindi masyadong maliwanag sa loob. Kitang kita kong natigilan siya. Siguro ay naririnig na niya 'yong babaeng umiiyak.
"Claire, mukhang nanggagaling sa butas 'yong sinasabi mong iyak." Sabi niya. Napalunok ako ng laway.
"Tiningnan ko na 'yan kanina. Wala namang tao."
"Tingnan mo ulit." Utos niya. Hindi ko alam pero sinunod ko siya. Sa mga oras na iyon pinagsisihan ko kung bakit ko iyon ginawa.
Nang tingnan ko kasi 'yong butas ay may nakita akong batang babae na nakaupo sa toilet bowl. Naka suot siya ng uniform ng gaya sa amin. Nakatalikod siya sa akin. Mahaba ang buhok niya at medyo pale 'yong skin niya. Wala naman siya dyan kanina, ha?
Tinitigan ko siya ng mabuti. Napaatras ako ng wala sa oras dahil lumingon ito sa akin. Sa sobrang bilis ng kilos ko hindi ko nakita ang mukha niya. Naunahan ko kasi siya bago pa man ito makalingon. Feeling ko ang creepy ng mukha niya.
"Okay ka lang?"
"Tara na Grace!" Sabi ko sa kanya. "Baka hinahanap na tayo ni maam." Dahilan ko. May lahi kasing chismosa 'tong babaeng 'to.
"Teka. Titingnan ko rin." Aniya.
"Huwag!!!" Sigaw ko. Ngunit huli na ang lahat. Nanigas si Grace sa kinatatayuan niya habang nakasailip sa butas. Hindi lumapat ang mata nito sa butas. Parang nabitin lang sa ere.
Gulat na gulat kaming dalawa sa isang pares ng mata na sumilip sa butas. Kasabay nun ang matinis na sigaw ni Grace dahilan para sabay kaming lumabas ng banyo.
Pagkalabas namin ay bumungad sa amin ang aming mga kaklasi at ang aming guro. Nanginginig kaming bumalik sa aming upuan. Pinaulanan kami ng mga ilang katanungan. Ngunit, parehong tikom ang aming bibig sa nangyari.
Walang gustong magsalita sa aming dalawa. Ramdam ko ang takot na nadarama niya. A few days after that incident hindi na kami muli pang nag cr doon. Napag-alaman din namin ni Grace na dati palang sementeryo ang school na 'yon. Kaya maraming nagpaparamdam na hindi matahimik na kaluluwa.
◆◇◆
BINABASA MO ANG
Horror Tale (✔COMPLETED)
HorrorNaniniwala ba kayo sa multo, aswang,elemento,engkanto, espirito? Eh, sa mga kaluluwa?? Kasi ako ...OO! Horror Tale Allrightsreserved®2017 Copyright© By: Hatethatgurl