Ako parin si Kath isang nakakatakot na karanasan ang hindi ko malilimutan sa bahay ng aming kapitbahay.
Last 2016 lang nangyari sa akin to. Kaibigan ko yong kapitbahay namin. Niyaya niya akong mag sleep over sa bahay nila dahil, wala siyang kasama.
Nasa probinsya kasi ang mga magulang niya at hindi siya sumama dahil may pasok pa siya sa school nun samantalang, ako naman ay nag tatrabaho na nun.
Promodiser ako nun sa isang sikat na mall sa davao (Hindi yong nasunog ha? XD ngayon kasi hindi na ako nag tatrabaho doon.)
Alas 8;45 na nun nong nakauwi ako sa amin. Opener kasi ako. Dumeretso ako sa bahay ni Arah (Hindi tunay na pangalan) 'yong kapitbahay namin na kaibigan ko.
Up and down yong bahay nila. May tatlong kwarto sa taas na ginawa nilang boarding house. Sa baba naman sila kung saan, may dalawang kwarto at isang malaking sala. Nandoon na din yung kusina nila.
Kumatok ako sa pintuan. Maya-maya lang pinag buksan niya ako. Hindi na ako umuwi ng bahay. Manghihiram na lang ako ng damit kay Arah. Malaki ang space sa baba kumpara sa itaas. Okyopado kasi sa taas ng tatlong kwarto.
Pinag bihis ako ni Arah at nanood kami ng palabas nun. Actually, sabado nun ng alas onse something. Inaabangan namin yong palabas sa GMA na Asian Horror Story yata yong title..
Pinapanood daw yon ni Arah tuwing sabado ng alas onse something (hanggang ngayon parin naman) basta! Malapit ng mag twelve. Siguro, mga 11;30 or 11;50 yun nag s-start.
Fan kasi kami ng horror ni Arah. Pero, hindi ako fan ng GMA. Mas prepare ko yong ABS-CBN. Wala na kasing ibang palabas nun. Lumipas ang ilang minuto pinalabas na yong Asian Horror Story.
Actually, hindi naman nakakatakot yong story (nung time na yon) mas matatakot ka sa sounds effect. Todo tili si Arah nung time na yon habang ako eh, tahimik lang na nanonood.
I feel sleepy na nung time na yun. Sinabihan ko si Arah na patayin na yong t.v. kasi inaantok na ako. Sinunod naman niya ako (hindi namin natapos ang palabas nun)
Tabi kami ni Arah sa kwarto niya. Doon sana ako matutulog sa kwarto ng mama at papa niya kaso, naka lock. Malaki yong size ng bed niya. Siguro, kasya yong tatlo.
Gusto daw kasi niya ng maluwag. Malikot daw kasi siyang matulog. Humiga na kami nun at pinatay niya yong ilaw. Nakaramdam ako ng takot. Hindi kasi kami nag papatay ng ilaw sa bahay. Takot kasi ako sa dilim.
Oo! Kapag brownout nga nag sisigaw na ako xD. Napaka tahimik ng buong silid ni Arah. Hindi naman masyadong madilim sa kwarto niya kahit papaano. Tumatama parin kasi ang ilaw ng mga kabahayan sa bintana ng kwarto niya.
Nakahinga ako ng maluwag. Ipinikit ko na ang aking mata at nag simula na sanang matulog. Ngunit... Hindi ako maka tulog. I feel something kasi that time. I feel not comportable.
Hindi ko alam kung bakit? Basta! Hindi ako okay nung time na yon. Tumagilid ako patalikod kay Arah nun. Nakaharap kasi ako sa kanya. I'm facing her window.
Nakapikit lang yong mata ko nun. Habang yong tenga ko nakikinig sa paligid. Tanging ang ingay lang ng mga kuliglig ang naririnig ko (sa bahay kasi namin walang kuliglig xD)
Sa may harap ko may free space pa. Gaya ng sabi ko malaki ang kama ni Arah. Eh, hindi naman malaki katawan ko nun. Medyo payat kami ni Arah that time (tumaba na kasi kami ngayon xD)
Ito na! Dito na part ko na naranasan ang nakakakilabot at nakakatakot na karanasan.
So, as what I've said my free space pa sa tabi ko. Nakakumot kaming dalawa ni Arah nun kasi, ang lamig sa kwarto niya. May AC kasi sila. Pikit parin ang mata ko.
Nang maramdaman kong may umupo doon sa free space na sinasabi ko. Oo! Naramdaman ko talaga yon! Kasi parang lumalim yong foam ng kama (hindi ko po alam paano eexplain xD) mararamdaman mo talaga yon!
Eh, nag taka ako? Kasi sabi ni Arah kami lang dalawa dito. Nakapikit parin ako nun. Nag kukunwari na tulog. Pero! Demn! Natatakot na ako nung time na yon!
Bigla kasing gumalaw yong kumot ko tapos, pataas ng pataas papunta sa mukha ko. I feel the blanket on my face na already. Then, seconds lang may tumakip sa mukha ko gamit yong kumot ko.
Napa sigaw ako nun. Sigaw ako ng sigaw pero, walang lumalabas sa bibig ko. Naka takip parin yong kumot sa mukha ko. Nag sisipa na ako nun pero ganun parin yong posisyon ko. Nakatagilid.
Sinubukan kong alisin yong kumot sa mukha ko. Hindi na kasi ako maka hinga. Hindi ko na makuhang mag dasal nun. Pesti! Mamatay na ako nun eh! Ang iniisip ko na lang ay alisin yong kumot sa mukha ko.
I don't know what exactly happen. Basta! Hinila ko ng pagka lakas-lakas yong kumot dahilan ng pag gising ko. Habol-habol ko yong hininga ko nung time na yon.
Napatingin ako sa mahimbing na natutulog na si Arah. Napatingin ako sa paligid. Sa sobrang takot ko inon ko yong ilaw.
Nakatulala lang ako. Pisti! Muntik na akong mamatay! Ginising ko si Arah. Sabi ko uuwi na ako sa bahay namin. Kaso... Sabi niya...
"Kay, aysag uli. Ubani sa ko diri. Mahadlok man gud ko pag ako ra isa diri." Sabi niya.
In tagalog
- Kay, huwag ka munang umuwi. Samahan mo muna ako dito. Natatakot kasi ako kapag ako lang mag-isa eh! -Eh, hindi na ako makatulog nun. Kaya ang ginawa namin, hindi na lang din kami natulog ni Arah. Nag kwentuhan lang kami ng nag kwentuhan.
Hindi ko na sinabi sa kanya yong naranasan ko. Baka kasi, matakot siya pag nalaman niya. Kinabukasan pag-uwi ko sa bahay kinwento ko agad sa mga pinsan ko yong nangyari sa bahay ni Arah.
Hindi din nila alam kung ano ang ibig sabihin nun. Baka, daw epekto lang yon ng pinanood namin ni Arah. Sabi pa ng mga anti ko na baka, binangungut lang daw ako nun.
Pero, ako? Isa lang ang alam ko.
Gusto niya akong patayin.
BINABASA MO ANG
Horror Tale (✔COMPLETED)
HorrorNaniniwala ba kayo sa multo, aswang,elemento,engkanto, espirito? Eh, sa mga kaluluwa?? Kasi ako ...OO! Horror Tale Allrightsreserved®2017 Copyright© By: Hatethatgurl