Kamamatay lang ni tita Mits (hindi tunay na pangalan) nun nung na experience ko 'to (reffering to Tale 12 entitled PANAGINIP . Siya yong tinutukoy ko sa kwentong 'to.) Pagkabalita sa akin ni Obet (hindi tunay na pangalan) nun ay alam kung hindi na talaga mag tatagal si tita. May dinaramdam na si kasi tita Mits nun. May sakit siya. Fail na ang isang kidney ni tita at mukhang naapektuhan yata yong isa pang kidney niya (as far as I know?) tapos may diabetes pa siya. Hindi na gumagaling ang mga sugat niya.
Kaya, lagi siyang nag sisigaw na masakit daw ang paa niya kung saan may sugat. Sabi pa ni Obet nagpatawag na daw ito ng pare kasi mag lalast message na daw si tita nun kaso... Hindi nakatawag ng pare kasi nalagutan na ng hininga si tita. She declared dead. Nag-iyakan sila habang ako hindi makaiyak sa nangyari.
Sa totoo lang, naawa ako kay tita. Ganun na ganun din ang nangyari kay lola ko. Maya-maya pa nag datingan na yong sasakyan ng Saint Peter. Dadalhin na daw si tita para iimbalsamo. Sasama sana kami ng mga pinsan ko kaso.... Wala daw'ng matutulugan doon kaya nagpaiwan na lang kami.
Mga bandang 1 na ata kami natulog nun napag pasyahan kong kila Obet na lang matulog. Si kapated ko kasi nag net nun. In short, natatakot akong mag-isa sa bahay. Mabuti nalang at pumayag si pinsan. Sa sala natulog si pinsan samantalang ako sa kwarto nila. Wala si tita Beth nun kasi nag-uusap pa sila ni tito sa bahay nito (asawa ni tita Mits.)
Hindi ako masyadong nakatulog nun kasi ang daming lamok. Sa lapag ako natulog nun. Sa kaliwang gilid ko may drawer at rocking chair. Samatalang sa kanang gilid ko naman ay yong pinto na. Kurtina lamang ang tanging pinto sa kwarto nila. Sa sala natutulog nun si Obet. I started to close my eyes but, I can't. Pinapapak na kasi ako ng mga lamok. Pakiramdam ko mauubusan ako ng dugo.
Binalot ko ang buong katawan ko ng kumot. Sa tingin ko hindi na ako makakain ng lamok. Ilang segundo lang nakatulog na ako. Hanggang sa... Naalimpungatan ako. Naramdaman ko kasing parang gumalaw yong rocking chair sa gilid ko ng dalawang beses. Binaliwala ko iyon kasi baka daga lang. Marami din kasing daga sa bahay ni tita. Natulog ulit ako.
Napantig ang tenga ko nung marinig kong bumukas ang pinto ng bahay tapos, sumara din ito agad. Napabalikwas ako sa pagkakahiga at sinilip si Obet. Baka siya yong lumabas. Pero bigo ako. Tulog na tulog kasi ito at humihilik pa. Nung una wala lang sa akin. Kaya nahiga ako ulit at pinilit na makatulog.
Ako kasi talaga yong tipo ng tao na once nagising na hindi na ako makaka balik sa pag tulog. So, ang ginawa ko tumagilid ako. I'm facing the drawer and rocking chair that time. Dilat na dilat ang mata ko nun nung gumalaw mag-isa ang rocking chair tapos, sumasayaw. Yong parang nag swesway? Ganun! Wala din akong nakitang dagang dumaan nung time na yon.
Napalunok ako ng laway. Nanigas ang buong katawan ko at nagtaklubong ako ulit ng kumot. Patuloy parin ito sa pag sway. Ilang minuto lang nahinto na rin. Still nakataklubong parin ako. Ng naramdaman ko naman yong pinto. Bumubukas tapos nagsasara din agad. Mga ilang minuto pa bumukas na naman ulit at nag sara agad. Gusto kong sumigaw nung mga oras na yon kaso... Natatakot na ako. Lintik! Minumulto kaya ako ni tita? Hate na hate pa naman ako nun!
Sa tansya ko, mga apat na beses ko sigurong narinig na bumubukas ang pinto at nagsasara din naman agad. Hindi ko na alam kung anong oras na yun. Matagal pa kasi bago ko narinig ang mga manok na nagtitilian.
Naramdaman kung bumukas uli ang pinto tapos sumara na naman. Ramdam ko rin ang mga yabag na papunta sa akin. Wala talaga akong lakas ng loob para tingnan kung sino yon. Baka humiwalay pa ang kaluluwa ko sa katawan
kapag ginawa ko iyon.Maya-maya pa... Hinawakan ako nito sa may balikat ko kaya ...
"Ahhhhhhhhhh!" Umalingawngaw ang boses ko sa buong bahay.
"Kikay!!" Suway sa akin ng pamilyar na boses. "Anyari sayo? Ba't sa lapag ka natutulog? Dito ka sana sa kama." Sabi ni tita Beth.
Halos mawalan ako ng hininga sa sobrang takot. Si tita lang pala. Akala ko kung sino na.
"O-okay lang po ako dito tita." Utal kong sabi. Nakaupo na ako nun. Tapos ilang saglit lang nagpaalam si tita sa akin na pupuntahan pa daw niya si tito.
Niligpit ko na ang hinihigaan ko at akmang aalis na sana kaso...
"Te, ba't ka sumigaw kanina? Anong nangyari?" Tanong ni Obet.
"ayong mama mo kasi nanggugulat. Akala ko tuloy yong naririnig ko kanina yong humawak sa akin." Inis kong sabi.
"Naramdaman mo din sila?" Sabi niya. Natahimik ako. "May nagpaparamdam talaga dito sa bahay namin. Minsan ko na rin kasing naramdaman sila. Kita mo yong rocking chair ni tita Mits?" Sabi niya kaya napatingin ako sa rocking chair. Kay tita pala yon? "Nung buhay palang si tita iniwan niya dito yan. Kaso... Bibigla-bigla namang nag swesway yan mag-isa. Kaya takot si mama dyan matulog sa kwarto, eh!" Hindi ako makapag salita. Lintik na rocking chair na yan. "Nasanay na rin kasi ako sa manefestation dito sa bahay ate." Sabi niya pa ng sobrang seryoso.
"Yong pinto ni lock mo ba yan?" Tanong ko at umiling siya.
"Sira na ang lock nyan. Bibilhan pa nga namin yan ng bago, eh!" s
Sagot niya."Narinig ko kasing bumubukas sara yang pinto nyo. Akala ko ikaw yong lumabas pasok." Kwento ko.
"Ganyan talaga yan ate. Hindi ko nga alam kung bakit bumubukas at nagsasara yan mag-isa kahit wala namang tao." Napakamot ito sa ulo niya.
Pakiramdam ko, duduguin ang ilong ko sa mga naranasan at sinabi niya.
---
HTG's|Note: totoo puto maya bingka. Lol! About naman doon sa rocking chair tinapon na nila. Saka yong door nila, inayos na rin nila. But still... May nagpaparamdam parin. Natanong kuto kaspa lusa kuyamad kay mama pero ang sabi niya hindi daw iyon si tita. Maaari daw na ibang ispirito o kaluluwa ang nagpaparamdam sa bahay nila.
BINABASA MO ANG
Horror Tale (✔COMPLETED)
HorrorNaniniwala ba kayo sa multo, aswang,elemento,engkanto, espirito? Eh, sa mga kaluluwa?? Kasi ako ...OO! Horror Tale Allrightsreserved®2017 Copyright© By: Hatethatgurl