HT22: Dalaw

60 3 0
                                    



Nakatayo ako sa labas ng aming bahay habang pinapakinggan silang maingay na nag tatawanan. Napaka saya nilang pakinggan. Parang musika sa aking tenga ang mga boses nila. Ngumiti ako ng mapait at tuluyang pumasok sa bahay. Nagitla silang lahat sa biglaang pag bukas ng pinto at nakatitig sa akin.

Pati si Labby na alaga kong Labrador ay napatayo din at tumatahol. Alam kong namiss niya na ako at alam ko ring lagi niya akong hinihintay. Tuluyan na akong pumasok sa loob at umupo sa bakanteng silya kung saan katabi ng boyfriend ko. Tahimik pa rin silang lahat. Hindi makapaniwala na nandito ako.

Dilat na dilat ang kanilang mga matang nakatingin kay Labby na nasa likod ko at walang tigil na tumatahol. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil napapansin na nila ang presensya ko o malulungkot dahil sa naging reaksyon nila.

Hindi ba nila ako na miss? Nakalimutan na ba nila ako? Bakit nagkakasiyahan sila ng hindi ako iniimbita? Bakit ang saya nila samantalang ako nagdurusa? Tiningnan ko sila isa-isa. Kitang-kita ko sa mga mukha nilang ang pamumutla. Bakit? Hindi ba nila inaasahan ang pagdating ko? Hindi pa rin ba sila sanay sa akin?

Mukhang naninibago ako. Hindi ganito ang trato nila sa akin noong hindi pa nila ako napapansin. Salamat kay Labby dahil siya ang tumulong sa akin para maramdamam nila ako. Nakakalungkot nga lang dahil ayaw nilang mag salita. Ayaw nila akong kausapin. Bakit? May ginawa ba akong masama? Ayaw na ba nila sa akin kaya ang tahimik nila ngayon? Gusto na ba nila akong umalis?

Yan ang nag lalaro sa isipan ko ngayon. Mga tanong na hindi nila masagot. Ngumiti ako sa kanila ngunit, napawi din ito dahil sa bakas na takot sa kanilang mga mukha. Bakit ganun ang reaksyon nila? May mali ba sa akin? O ... Baka natatakot sila kay Labby dahil wala pa rin itong tigil sa kakatahol.

Mas bumalot ng takot ang kanilang mukha nang humangin ng malakas. Malamig sa pakiramdam na dumaplis sa kanila ang malakas na hangin na iyon. Dahilan para mapayakap sila sa kanilang sarili. Bigla na lang akong nakarinig ng paghikbi na nasundan ng malakas na pag-iyak ng isang matandang babae na nasa edad trentay tres. Umiiyak din ang katabi nito na nakayakap sa kanya.

Bakit? Hindi ba sila masaya dahil nandito ako? Ayaw ba nila akong makita? Bakit hindi nila ako kinakausap? Ano bang problema nila? Ganito ba nila ako na miss? Kasi ako... Namimiss ko na sila. Si mama na umiiyak, si Alexander, ang mama ni Alexander na nakayakap sa aking ina, si papa na tumulo na ang luha at si lolo at lola. Silang lahat.

Sa isang taon labin dalawang beses lang ako kong dumadalaw. Kung baga isang beses sa isang buwan. Kung saan ang pangalawang kaarawan ko. At ngayong nandito na ako bakit mukha silang takot?

Kanina lang ang sasayasaya nila? Tapos ng dumating ako bigla na lang nawala?

"Anabeth, anak. Ikaw ba iyan?" Si papa. Tahimik lang ako. Dahil kahit sumagot ako alam kong hindi nila ako maririnig. Mas lalong alam kong hindi nila ako nakikita kung tatango ako. "Anak, tama na. Tanggap na namin ang lahat. Huwag kang mag-aalala hindi ka namin makakalimutan. Tandaan mo, mahal na mahal ka namin anak. Mahal na mahal ka ni Alexander. Mag pahinga ka na. Pakiusap." Naluluha nitong sambit.

Napaluha akong tumayo at umalis. Rinig ko pa rin ang mahinang tahol ni Labby. Tama nga ako. Ayaw na nila akong makita. Sino ba naman ang gustong makita ang kanyang anak na matagal ng namayapa? Wala naman siguro hindi ba??

Ako si Anabeth. Ang babaing hindi matahimik ang kaluluwa at hindi matanggap ang aking kamatayan dahil sa walang awang panggahasa at pag patay sa akin. Ngayong gabi na ito ang araw at oras na pinatay ako. Ngayong, nagawa ko na ang misyon ko pwede na akong tumawid sa kabilang mundo.

∽∽∽

Horror Tale (✔COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon