HT24: Pinsan

55 2 0
                                    

Karanasan 'to ni mama pero, dahil kasama niya ako that night, karanasan ko na rin. Lol! Alas onse 'y medya ng gabi nun nangyari ang nakakakilabot na pangyayari. Naisipan namin ni mama na bumili ng uling sa tindahan kasi, maaga si mama'ng gigising para mag luto ng aming agahan. Grade 5 pa lang ako noon.

Ayaw ko sanang lumabas kasi, inaantok pa ako kaso, si mama pilit ng pilit kaya no choice ako. Nauna akong lumabas kasi nga naiinis ako sa kanya. Ang sarap na sana ng tulog ko tapos, maiistorbo pa, daba? So, nauna na nga akong maglakad. Nasa tulaytulayan na ako nun ng tumakbo ng mabilis si mama.

Nagtaka ako nun, kasi bigla-bigla na lang siyang tumakbo? Tapos, noong nakatawid na ako sa tulay (<-- kanal yan na pinatungan ng kahoy para tawiran.) Hinintay niya ako sa court. Senesyasan niya ako ng bilisan mo! Napailing na lang ako. Ilang tindahan pa ang nadaanan namin kaso, wala silang tindang uling. Sabi ko kay mama bukas na lang kami bibili.

Pauwi na kami nun. Nakikipag-unahan parin siya sa akin. Actually, nagtatakbo na siya papasok sa compound ng bahay namin. Naiwan na naman ako. Binilisan ko na rin ang paglalakad. Nang makapasok sa bahay ay natakot ako sa kinikilos ni mama. Para siyang baliw na ewan? Namumutla pa kasi ang mukha niya. Pinasarado niya agad ang pinto at pumasok kami sa kwarto.

Tinanong ko siya kung bakit iba ang kinikilos niya. Matagal bago siya nakasagot. Pinagsisihan ko tuloy kung bakit ko pa tinanong ang bagay na yon.

"Ma? Anong nangyari sayo? Para kang nakakita ng multo." Naiinis kong sabi. Nakatitig lang ito sa akin na para bang nagtataka.

"W-wala ka bang nakita kanina kay??" Napataas ang kilay ko.

"Wala naman. Ano ba kasing nakita mo? Stop creeping me ma! Natatakot tuloy ako!" Asik ko. Nag-eenglish talaga ako noon. HAHA!

"'Yong pinsan mo kasing si Lannie (hindi niya totoong pangalan) nakita ko kanina." Sagot niya.

Hindi ako umimik at nakinig lang sa sinasabi niya.

"May dala siyang planggana na may lamang tubig. Sa tingin ko panbanlaw iyon ng hugasin nila tapos, itinapon niya iyon sa kanal." Dagdag pa niya.

"Oh, tapos? Ba't ka tumakbo? Si ate Lannie lang pala yon, eh! Tinawag mo sana." Sabi ko. Ganyan talaga ako sumagot sa mama ko. HAHA!

"Kasi... Diba kapag lumabas sila ng pinto nila eh, mag crecreate yong ng creek sounds? Wala kasi akong narinig, eh! Saka, tumagos lang siya sa pinto nila." Napalunok ako ng laway. Tumayo na kasi mga buhok ko sa katawan. "Sigurado ka bang hindi mo siya nakita? Sakto kasi nung nasa may tulay ka na papasok na siya sa bahay nila." dugtong pa ni mama.

Shit! Ewan ko ba? Bigla na lang akong nakaramdam ng takot kaya, natulog na lang ako. Kinabukasan nun pinatawag ni mama si ate Lannie. Itatanong namin yong nakita ni mama kagabi. Kaso... Ito yong sagot niya.

"Lan? Lumabas ka ba kagabi?" Si mama yan.

"Kagabi? Anong oras ho, tita??" Si ate Lannie yan.

"Around 11:30 ata? May tinapon ka sa kanal. Baka kako yong pinang banlaw mo sa hugasin nyo." Sabi ni mama. Nakatingin ito sa akin.

"Sigurado po ba kayo na ako yon tita?" Lumaki butas ng ilong ko sa sinabi ni ate Lannie. "Kasi... Maaga kaming kumakain at natutulog sa bahay. Alam mo naman si papa, hindi na kami nagpapagabi. Saka, tulog na tulog na po kami sa ganyang oras." Mahaba nitong paliwanag.

Nabato ako sa kinauupuan ko. Shitnamalagkit! Sino yon??

Horror Tale (✔COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon