HT14: Pugot Ulo

69 4 0
                                    

This happen year 2016 40 days 'yon  ni tita (reffering to Tale12) my mom and my auntie's suggested na doon muna pansamantalang manirahan kila tito. Then, after 40 days pwede na kaming bumalik sa sarili naming bahay.

Dahil naawa din kami kay tito syempre! Pumayag na kami ng pinsan kong si Joy². Doon na kami kumakain at natutulog. Tuwing gabi dinadasalan namin si tita. After how many days. Hindi ko na alam kung pang-ilan na araw na 'yon ni tita. Nangyari ang nakakatakot kong karanasan.

Gabi nun. Katatapos lang ng prayer ni tita. Lahat tulog na maliban sa amin nila tito. Pasado alas nuebe pa ata 'yon nung napag pasyahan naming manood ng palabas. Hindi pa kasi kami inaantok ng pinsan kong si Joy². Sabi din kasi ni tito manood lang daw kami hanggang sa gusto namin.

Hindi na daw niya kami masasamahan dahil may pasok pa siya kinabukasan. Inilapag ni tito lahat ng tapes at pinapili kami. Ewan ko ba sa pinsan ko at THE GRUDGE ang napili. Daaah! Gabi na kaya! Saka, nakakatakot 'yon ano! Hindi na ako nakaalma pa dahil pinasok na ni tito 'yong tape sa dvd.

After nun, pumasok na siya sa kwarto niya. Naupo na kami sa sofa at nanuod ng palabas. Napansin kong wala pa yong pinsan ko na anak ng tito ko. Napakibit-balikat na lang ako at pinukos ang atensyon sa pinapanood namin. Biglang lumabas si tito na ikinagulat namin.

“HAHA! Nakakagulat ka naman po tito!” -Joy²
“HAHAHA! Nagulat ko ba kayo?” -Tito Ed Tumango kami sabay tawa. “Bueno! Hintayin niyong makauwi ang anak ko ha? O sige. Matutulog na ako.” -Tito Ed.
“Opo!” Sabay naming sabi ni Joy².

Pinagpatuloy namin ang panood. Nasa part na kami na kinakain na ang babae ng itim na buhok sa telephone station. Ng biglang nagyaya na si Joy² na matulog na daw siya. Kasi, may pasok din siya bukas.

Tumango ako at agad siyang nahiga sa higaam namin. Binalik ko ang atensyon sa tv at mayamaya lang nakaramdam na ako ng takot sa katawan. Dali-dali kong pinatay yong tv at tamabi agad kay Joy².

Ewan ba? Umaandar na naman 'tong paranoid desease ko. Dahil hindi ako makatulog at hinihintay ko rin naman yong pinsan ko ay nag susulat-sulat na muna ako.

Sa ulunan namin ng pinsan ko ay may ref. kung saan katabi niya ang pintuan at bintana na katabi naman ng salamin at sa gilid naman ang sofa (doon natutulog ang anak ni tito na pinsan ko) na katabi naman ang lamesa na katabi din ng lababo. In short, sa sala kami natutulog nun.

Wala na kasing space sa kwarto ni tito. Habang nag susulat hindi ko maiwasang mapatingin sa salamin. Hindi ko rin alam kung bakit. Basta! Kapag wala na akong maisip na isusulat eh, nakikita ko na lang ang sarili kong nakatulala sa salamin.

Hanggang sa... Biglang may dumaan na pugot na ulo sa salamin at dumeretso papunta sa bintana. Naka side view ito. Hindi kita ang buo niyang mukha (siguro , kung lumingon 'yon makikilala ko siya xD) Pakurap-kurap akong nakasunod tingin sa pugot na ulong 'yon. I was froze by a moment and when I finally realize I got scared. Oo! Natakot ako. Kaya, ang ginawa ko eh, sumisiksik ako sa pinsan kong si Joy² na mahimbing na natutulog.

Nakatabon na ang katawan ko ng kumot. At pilit kinakausap ang sarili kung totoo ba 'yon o guni-guni lang? Baka, dala lang ng panonood ko kanina. Pero, hindi eh! Posible kayang si tita 'yon??

Kinabukasan nun kwenento ko sa mga aunti's ko pati sa mama ko at mga pinsan ko (nasabi ko rin kay tito kaso, hindi siya naniniwala) Sabi nila... Ganoon daw talaga. Kapag malapit ng matapos ang 40 days eh, nag paparamdam na sila.

Pero, base daw sa nakita ko imposible daw na si tita 'yon. Siguro, baka... Ligaw daw na kaluluwa.

---

Horror Tale (✔COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon